Wish mo ba kay Santa this Christmas ay mahanap na si Mr o Mrs Right? Pray hard at baka this year might be it. Pero, kung ayaw mo lang talagang mapabilang sa SMP o Samahan ng Malamig ang Pasko, mag-ingat pa rin dahil it’s not worth wasting your time sa mga taong hindi naman karapat-dapat at bibigyan ka lang ng mas malamig na Enero at nakakalungkot na Pebrero sa darating na taon.
Here are Doc Willie Ong’s tips sa pakikipagrelasyon:
Mga Lalaking Hindi Dapat Pakasalan (Men you should not marry)
1. Lasenggo at basagulero – May taong nakikipag-away kapag nalalasing. Mahirap masiguro na magbabago ang isang heavy alcoholic.
Dagdag pa rito, mahirap ding karelasyon ang alcoholic. Maaari silang manakit ng asawa’t mga anak, at maaari ring ikasira ng kanilang bisyo ang budget ng inyong magiging pamilya.
2. Mahilig sa babae – Huwag isiping magbabago ang lalaki kapag nagpakasal na kayo. Kapag mahilig sa maraming babae, hindi niya kayang magmahal ng tunay.
Womanizers can also abuse your kindness in the long run, lalo’t pinagbibigyan mo lang siya sa kanyang pambababae. Hindi sapat na isiping, dahil lalake, may tendency na talagang mambabae. Not all men are the same.
3. Nagsusugal – Delikado maging asawa ang sugarol dahil baka maubos ang lahat ng inyong pera.
Gamblers have a tendency na parami nang parami ang perang isinusugal. At, kapag wala nang pera, they might sell off your properties para lang may maipangsugal sila.
4. Lagi kang sinasaktan – Kung hindi pa kayo mag-asawa ay sinasaktan ka na niya sa salita o gawa, mag-dalawang isip bago siya sagutin.
Labag din ito sa batas. Ayon sa RA 9262: Anti-Violence Against Women and Their Children Act, bawal manakit ng mga kababaihan at kabataan. Maaari mo pang kasuhan ang mga lalakeng nananakit.
Sa mga binata naman, may tips din si Dr. Willie Ong sa mga babaeng mas magpapasaya ng inyong buhay:
Mga Babaeng Swerte Sa Iyong Buhay
1. Hindi nagger – Hindi binabatikos ang iyong pagkatao. Hindi nakakabuti sa relasyon ang asawang nagger, isa ito sa madalas na dahilan ng pag-aaway, pagkasira ng relasyon, at paghihiwalay.
2. Maunawain at malambing. Hindi ba’t ang sarap umuwi sa bahay pagkatapos ng mahabang araw ng pagtratrabaho (lalo’t nag-overtime ka pa) sa isang asawang lalambingin ka at uunawain ang iyong pagod, imbis na aawayin ka pa?
3. Tapat sa iyo kahit hindi ka guwapo – Hindi siya two-timer o malandi. Maswerte sa buhay ang babaeng loyal at hindi ka ipagpapalit basta-basta. Tiyaking sincere at matapat ang pagtingin niya sa iyo. Baka naman iba lang ang habol sa iyo. Mag-ingat!
4. Marunong magtipid – Hindi laging sinasabi: “Bili mo ako niyan. Gusto ko niyan.” Ang masinop na babae ay isa sa mga matatag na pundasyon ng matiwasay na buhay mag-asawa. Hanapin sa makakarelasyon ang ganitong katangian.
5. Hindi makasarili – Mas inuuna ang kapakanan ng pamilya at anak. Kilalanin ang inyong nais i-date o ligawan kung siya ba ay may sense of others, iyong hindi puro sarili lang ang iniisip at walang concern sa iba. Marahil, kapag may pamilya na kayo, alagang-alaga kayo sa kanya.
6. May takot sa Diyos. Nakakatulong ang faith sa pagpapatatag ng samahan, lalo na’t may kinakaharap kayong pagsubok sa inyong pagsasama. Nakaka-contribute din ito sa isang positive outlook sa buhay.
Ngayong Pasko, magdasal at isipin ang plano ng Diyos para sa iyo. Maniwalang may magandang planong nakalaan talaga para sa iyong love life.
Pero, kung may asawa o girlfriend ka na, tigil na sa panliligaw ng iba. Kawawa naman ang mga kababaihan. Paalala lang rin, puwede pa rin namang baguhin ng Diyos ang tao. Mapalad ang nagbabago dahil sa Maykapal.
Good luck and God bless!
Images by Jose Villa, www.josevilla.com