5 Sampung Utos Sa Pamimili Ngayong Christmas

Narito po ang mga dapat nating tandaan pag namili tayo ng panregalo this Christmas:

1. Quality and Safety – Dapat may seal na QA para sa quality assurance of dumaan sa QC (quality control). Marami na ang naglalabasang pekeng seal ng QA at QC kaya dapat maging metikuloso. Bukod dito, may mga laruang puno ng toxic at pagkain na expired o may halong poisonous ingredients. Siguraduhing safe ang mga binibili.

2. Needs vs Wants and for Future expenses – Ang ating mga bibilhin ba ay “needs” or “wants”. Kung ito ay “wants” lamang, puwede naman pong next time na lang bumili. Kasabay nito, i-budget na rin ang expenses for the following weeks para alam kung sapat ba o kakapusin ka.

3. Debt – Huwag na huwag mangutang para bumili ng mga pangregalo. Kung di kaya ng budget, huwag pilitin ang sarili para lamang may maibigay at sumabay sa uso at kultura. Ayaw nating mabaon sa utang pagpasok ng Bagong Taon, hindi po ba?

4. Sino at Kailan – Sinu-sino ba ang mga dapat bilihan ng regalo? Kung kapos sa budget, bilhan na lang ang mas nararapat. Hindi naman po labag ang pagbigay ng regalo sa mga maykaya. Ang punto po lamang, kung gipit sa budget, mainam na unahin ang mga nangangailangan nang mas mapasaya natin ang kanilang pasko. Kung mamimili sa mga lugar tulad ng Divisoria, mas makakatipid sa budget. Sa malls, huwag malinlang sa mga karatulang “sale” dahil kung minsan, talagang itinataas nila ang original price para magmukhang nakamura ka kapag nag-sale sila pero hindi naman pala talaga.

5. Maging Creative – Kung magbibigay ng regalo, napaka-importante ang pagiging creative. Sa paraang ito, makakatipid tayo nang malaki, Halimbawa, imbes na bibili tayo ng isang panregalo na nagkakahalaga ng 200 pesos, maaari naman tayong bumili ng simpleng card at lagyan ito ng personal messages at dagdagan ng palamuti ito. O kaya’y kumuha ng isang simpleng box at punuin ng mga candy o malilit na laruan at balutin ng magandang wrapper at lagyan ng design.

At ang tip bago simulan ang Christmas shopping: Ilista kung sino ang bibilhan bago lumabas ng bahay at mamili!

Happy shopping, #kasambuhay!

Be informed! Be involved!

Twitter: @jingcastaneda

IG: @jingcastanedaabscbn

FB: Jing Castaneda ABSCBN

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *