Entertainment: Can JM DE GUZMAN triumph over drugs?

by Karlo Sevilla

27195_334590483020_2413443_n

“You alone can do it, but you can’t do it alone.”

Ito ang naging wakeup call ni JM de Guzman matapos ang personal crisis na umantala sa career ng sumisikat na 25-year-old actor.

Nalulong kasi ang actor sa droga at pumasok sa rehab matapos aminin ang kanyang problema.

Huling humataw si de Guzman bilang leading man ng daytime TV drama ng ABS-CBN na Angelito: Batang Ama noong Nobyember 2011

Nagkaroon pa ng sequel ang sikat na teleserye, Angelito: Ang Bagong Yugto, kasama ang aktres na si Charee Pineda, na umere hanggang December 2012.

Dito na kumalat ang balita na madalas mag-absent si JM sa set kaya naudlot ang kanilang show.

Pagkalulong sa bawal na gamot ang itinuturong dahilan ng pagiging delinquent ng aktor.

Ito rin ang nagtulak sa mismong daddy ni JM na si Ronniel de Guzman na paatrasin ang anak sa title role ng Pedro Calungsod biopic na official entry sa 2013 Metro Manila Film Festival, para mag-focus ito sa kanyang recovery.

Aminado si JM na nung bata-bata pa siya, nabaling ang kanyang interes sa iba’t ibang bagay, kabilang na ang bisyo.

“Curiosity, around 18 or 19 years old. Gusto ko ring maging cool. Parang ego booster, na kaya ko yan…na di ko masisira sarili ko anuman ang gawin ko,” kwento niya.

At dahil nga sa bisyong ito, affected pati ang kanyang professionalism. Kaya nag-decide si JM at ang kanyang parents to temporarily leave showbiz to undergo rehab.

With his recovery, muling nagbabalik si JM para ituloy ang kanyang nabitin na career.

 

 This article is part 1 of a series. To read the second article, click here. To read the third article, click here.

Related readings: JM DE GUZMAN, AS A COMEBACK KID, JM de GUZMAN, LIFE AFTER DRUG ADDICTION, Daddy Ronniel gets his “son back”

1 comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *