Dear Puso ng Pamilyang Pilipino,
Itago niyo na lang ako sa pangalang Mon. Isang taon na po akong draftsman dito sa Dubai, UAE. 38 years old na po ako at may asawa’t isang anak na nasa Bulacan. Sa ganang nagtitipid po ako, bihira po akong makakauwi sa mga darating na taon, lalo’t hindi magbibigay ng pambakasyon ang napasukan kong kumpanya. Kapag naiisip ko pong matagal-tagal din akong hindi makakauwi ay nag-aalala po ako sa aking asawa. Paano po kasi, kaliwa’t-kanan sa mga katrabaho kong Pilipino dito ang nababalitaan kong nagkakaroon ng problema sa kanilang mga asawang naiiwan sa Pilipinas. Nagkakaroon daw po ang mga misis nila ng ibang mga karelasyon dahil malayo sila sa kanilang mga asawa. Nagpunta po ako dito sa Dubai upang bigyan ng magandang kinabukasan ang aking pamilya at lahat naman po ng oras ko ay nakalaan lamang sa paghahanapbuhay. Natatakot po akong dahil bihira kaming magkakasama ng aking misis, baka magkaroon na rin po siya ng ibang karelasyon, lalo na po’t kaibigan niya ang mga misis ng aking mga kasamahan. Paano po namin maiiwasan ang ganitong situwasyon? Lubos ko pong ipagpapasalamat ang inyong payo.
Mon
Dear Mon,
I understand your worry na baka mangaliwa si Misis habang nagtratrabaho ka abroad lalo na dahil kaibigan ni Misis ang mga ibang misis na may problema sa kanilang marriage.
Malungkot mang sabihin but nangyayari talaga ang mga ganitong mga bagay sa mga mag-asawa. Bawat babae, may rason kung bakit pumapasok sa ganitong mga bagay, but one of the main reasons why wives have affairs is because of their financial empowerment. Kapag kasi kumikita sila on their own, mas ramdam nila na kaya nilang buhayin ang kanilang mga anak just in case magkaroon ng hiwalayan.
Another reason is that dati, masyadong nagtitiis ang mga misis and they just let their husbands fool around. Tanggap na nila na ang mga mister talaga, nagloloko. But now, more wives do not agree with their husbands having extramarital affairs. And when this happens in their marriage, ang tendency, gumaganti sila.
Kapag si Misis ang nagka-affair, naku, maghanda kayong mga mister! Kasi, kadalasan ang mga misis na kunsumidong-kunsimido with her husband and marriage, naghahanap talaga ng replacement ni mister and not just look for a temporary lover. Nangyayari ito if the wife feels so neglected and unappreciated. Hindi siya binibigyan ng halaga at pagmamahal ng matagal na panahon, nagtitiis sa isang miserable marriage for 10, 15 or 20 years. Tao lamang siya na naghahanap ng pagmamahal.
Tama bang mangaliwa? Is it justified? It is not correct and it is not justified.
She must to try to work on her marriage. But if all fails, it’s better na humiwalay na lang, and not have an affair. Affairs are devastating. Mas magulo ang buhay kung mangangaliwa.
However, Mon, you do not have to worry about your wife having an affair kung patuloy na naaalagaan ninyong mag-asawa ang inyong relasyon dito man kayo sa Pilipinas o sa abroad.
Kadalasan, itong limang bagay ang super kailangan ng mga Misis. Have you been giving these to your wife on a regular basis?
1. Financial Support. O, naghahanapbuhay ka sa ibang bansa kaya’t dapat ay siguaradong napopondohan mo ang mga financial needs of your wife and children.
Have a weekly allowance for her needs and then budget the needs of the children. Of course, ikaw din may allowance din. Pag-usapan ang mga plano ng pamilya – biyahe, tuition fee, gamit sa bahay, home repairs, savings for retirement at iba pa, upang ma-schedule ang paggastos.
Pag-usapan ang family budget para makapagtabi ng pamasahe at nang makauwi ka parati. Long-term, dapat may ipon para magka-business o magtrabaho sa Pilipinas para magsama muli kayo. Malamang, check ka rito.
2. Family Commitment. Ngayon na overseas ka, maglaan ng oras araw –araw na mag-usap kayo ni Misis – cellphone at Skype. Magandang gumamit ng Skype madalas kasi face-to-face ito – Mas madaling ipakita ang pagmamahal sa aksyon at sa salita.
Bigyan mo rin ng oras ang bawat anak – maski 20 minutos bawat anak. Kung puwede, sabay kayong “mag almusal” o “maghapunan” sa paggamit ng Skype. Matutuwa si misis dito sa Family Commitment mo. Check ulit?
3. Affection: Dahil mahal na mahal mo si Misis, magtext ka o mag email ng mga “I love you” at “I miss you” o “I wish you were here with me”. Show genuine love. Huwag selos o takot na you will nag her daily. Strengthen your love and affection for each other.
4. Conversation: Ang kuwentuhan tungkol sa trabaho, sa anak, at sa mga pangarap sa buhay. Pag-usapan kung anong gagawin sa bakasyon mo sa Maynila. Iplano ang oras ninyong dalawa lamang – para maramdaman ni Misis ang pagnanais mo sa kaniya.
5. Honesty and Openness – Maging tapat sa damdamin – maaring sabihin, kinakabahan ka sa distansya ninyo at pag-usapan kung papaano ninyo aalagaan ang isa’t-isa.
Huwag maging kritikal o mapagduda. Maaring simulan ng, “Alam mo Honey, hindi sa nag-aalala ako kapag kasama mo sila… nagkakaproblema kasi sila sa samahan nila, paano ba nating puwedeng iwasan iyon?”
Sabihin mo rin na naghahanapbuhay ka para sa pamilya mo lamang, na para may budget kayo para sa mas madalas na pagbakasyon mo sa Maynila.
Kailangan pagplanuhin ang pagtitibay ng relasyon upang maiwasan ang panganagaliwa ni misis o si mister din. Payo ko din na sumali kayo sa mga couple groups – na magiging isang suporta sa buhay-asawa. Being involved in a couples group can protect the marriage from threats.
Hindi madali magtaguyod ng marriage lalo na’t magkalayo kayong mag-asawa. Ang mga maliliit na issues, minsan lumalaki dahil sa distance ninyo sa isa’t-isa. But as with all relationships, alaga lang kadalasan ang kailangan upang mapanatiling maayos at matiwasay ito. It takes a lot of effort from both parties to sustain a healthy marriage.
Bukod pa sa love niyo for each other, ay kailangan din ang commitment to your relationship. Focusing on the positive aspects of your life together and patiently working out to ease the problems that arise every now and then will help strengthen both of you as husband and wife. Don’t give up so easily! Just keep working on your marriage because it is always a work in progress.
Good luck at Kaya yan!
Maribel Dionisio
Parenting and Relationship Expert
Puso ng Pamilyang Pilipino