Correct mindset para maka-ipon, lalo na para sa mga Global Pinoy

For the Kapamilya Abroad segment of Kapamilya Konek, our interviewee underscored the importance of being financially literate, o yung pagkakaroon ng basic information kung paano makakaipon, lalo na ang mga kapamilya nating nasa bang bansa. Sharing with you our post sa Facebook page ng Kapamilya Konek Official.

KAPAMILYA ABROAD

Ang pag-iipon ay isang paraan ng paghahanda para sa kinabukasan.  Pero malaki ang pagkakaiba ng pag-iipon ng mga Pinoy na narito sa Pilipinas kaysa mga OFWs. Ito ang sinabi ni Professor Joeffrey Maddatu Calimag, Professor of International Business and Global Management sa South Korea.

MINDSET AT PAGBABAGO NG LIFESTYLE

Ang pagkakaroon ng mas malaking kita sa ibang bansa ay isa sa mga dahilan kung bakit nagbabago ang mindset at lifestyle ng mga kababayan nating OFWs. Di tulad ng mga Pinoy na nagtatrabaho dito sa bansa, mas malaki ang kakayahan ng mga OFWs na makapag-ipon dahil mas malaki ang suweldo nila.

Pero bakit nga ba hindi sila nakakapag-ipon sa kabila ng malaking kita?  Ito’y dahil sa lumalaki rin ang kanilang gastos.  Kung minsan nga, wala pa ang kanilang kita, pinaplano na nila kung ano ang bibilhin.  Ang masaklap pa nito, kung minsan. kahit mga kaanak ng bayaning OFW, nagpa-plano na rin ng kanilang mga paggagastusan kahit na umaasa lang naman sila sa tulong ng kanilang kaanak sa abroad.

kb_monday02

“Ang pag-iipon ay isang paraan ng paghahanda para sa kinabukasan.” according to Professor Joeffrey Maddatu Calimag, Professor of International Business and Global Management sa South Korea.

Ito ang mga dapat isa-alang-alang para hindi masayang ang pagta-trabaho sa ibang bansa:

1.  Ang pagtatrabaho sa ibang bansa ay hindi panghabambuhay.

Ang pagtatrabaho sa ibang bansa ay “temporary”. Darating ang panahon na matatapos ang kontrata o mga pagkakataong kailangan nang bumalik ng bansa.

Ayon kay Prof. Calimag, mas makabubuti na mayroong safety net ang isang OFW. Bukod sa ipinapadalang remittance o padala sa pamilya ay magtabi din ng ipon para sa sarili. Sa gayon, mayroon pa ring mapagkukunan sakali mang hindi nagawang mag-impok ng pamilyang narito sa Pilipinas.

2.  Kita- Savings = Expenses 

Inirekomenda din ni Calimag ang pagbabago ng mindset ng mga Pinoy, nariito man sa Pilipinas o sa ibang bansa. Bigyang-halaga ang “savings” at ugaliing magtabi ng sapat na porsyento (20%) ng kinikita BAGO PA MAN ITO GASTUSIN.  Pagkasyahin na lang ang natira sa suweldo sa mga gastusin.

Mahalaga din ang konsepto ng pag-iinvest para mapalaki ang mga kinikita.

Mission, Vision & Goal

Dagdag pa ni Prof. Calimag, “Pag walang goal, hindi na-aappreciate ang savings, walang motivation. Kung walang goal, walang direksyon… at walang focus.”

*  *  *

Please don’t hesitate to tweet (@JingCastaneda) or post your messages here in my column, or via my Facebook (Jing Castaneda Abscbn) for any clarifications.

Jing Castaneda ang Iyong Kasambuhay

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *