Entertainment: Alex Gonzaga, very excited sa kanyang concert sa Araneta

Showbiz Ambush by Ambet Nabus

AlexG

Image fromwww.toptweet.org/user/sephlex08

Hindi makapaniwala ang The Voice of the Philippines host, Alex Gonzaga, na sa wakas ay magkakaroon na siya ng bonggang concert sa The Big Dome sa April 25. Ang Araneta Coliseum ang dream ng maraming mapagtanghalan!

Alex said that she feels no pressure and nervousness at all because she said, “I’m prepared. Matagal na akong ready for the Big Dome.”

Sa dinami-dami nga ng mga seryosong tanong na ipinukol sa actress-host who now wants to be a concert artist, halos wala itong seryosong sinagot.

Sey pa nito, “hindi naman po kasi ako talaga mahilig sa mga sobrang serious na usapan. Sa mga nakakakilala sa akin, ganito na po eko ever since kaya’t sa concert ko, asahan na ninyo ang mga unexpected na pasabog.”

Entitled “AG from the EAST the Unexpected Concert”, nagpromise si Alex na kabugera ang show niya na pag-uusapan daw hindi lang ng showbiz kundi kahit sa politics.

Well, minsan na naming narinig umawit ang komikerang si Alex at sinabi na nga naming mas maganda ang boses niya sa ate niyang si Toni, pero more than the voice, mas keri daw niyang ipakita ang kanyang versatility on stage.

Ang ilan nga sa mga nakatakda niyang gawin sa show ay ang gayahin ang kamukha niyang si Ariana Grande (na ka-initial niya), si Beyonce, ang lahat ng divas na kilala natin, at iba pang bago — gaya ng kanyang ‘love advice’ at ang paulit-ulit niyang sinasabi na opening production number na never-been-seen sa concert scene here man o abroad.

O, yun ha? Ibang level na nga ang confidence ni Alex Gonzaga dahil kahit ang Araneta Coliseum ay tila ordinaryong venue na lang para sa kanya? Laban kayo? 🙂

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *