Entertainment: Angelica at John Lloyd, bakasyon grande sa Amerika

Showbiz Ambush by Ambet Nabus

Kanya-kanyang sponsor naman daw sina Angelica Panganiban at John Lloyd Cruz sa nalalapit nilang one month vacation na hiningi sa ABS-CBN.

jlcangelica_pic2

Image from http://kickerdaily.com/no-big-fight-for-angelica-panganiban-and-john-lloyd-cruz-in-3-years/

Yes, ateng, finally ay matutuloy na pala this year ang noon pa pala nilalambing na bakasyon grande sa America ng mag-syota and this early, may mga kani-kaniya daw silang listahan ng mga sasagutin.

Plano nga daw ni Angelica na isama si JLC sa mga lugar na noon pa niya ‘trip’ na mapuntahan, lalo na yung maka-bonding daw nito ang mga kaanak and friends mula sa kanyang father’s side. At dahil may mga kaanak din si JLC sa US, nasa itinerary din daw nila ang puntahan itong lahat. Yes, “trip-trip” lang daw ng dalawa ang gagawin nilang pag-e-enjoy at pag-a-unwind.

“Both East and West coasts ang pupuntahan nila, kaya imagine ang gastos and pagod. At sa lahat ng ito ay willing participant si John LLoyd,” sey pa ng isang close friend ng dalawa na makakasama din daw sa biyahe (“on a limited engagement,” sabi pa niya hehehe) anytime soon this November.

Katatapos lang na maipalabas ang The Trial ni Lloydie habang ipapalabas pa lang ang Beauty in A Bottle ni Angelica. Nag-expire ang kontrata ni JLC last October pero bago pa man daw ito aalis for their USA vacay eh mayroon nang inilatag at pinag-aaralang mga ‘stipulations’ sa renewal nito ng kontrata.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *