Entertainment: Baguhang young actress, inggitera na, patola pa sa bashers!

Showbiz Ambush by Ambet Nabus

Kakaiba ang isang baguhang batang aktres na laging napagkakamalang kamukha o kapatid ng isa pa ring young actress. Ang ipinagkaiba nila, di hamak na mas sikat yung isa kaya siguro sa tindi ng “inggit” ni baguhang batang aktres, ay pumapatol ito sa bashers o mga simpleng nagtatanggol sa sikat na young actress.

Sa isang event outside Manila, sobra daw nanggalaiti (read: pulang-pula sa inis) si baguhang aktres dahil habang nagpi-perform daw ito ay may mga fans na may bitbit na tarpaulins/streamers bearing the more popular young actress’ name and face.

Feeling insulted, talaga daw nagmake-face si baguhang young actress at nung magsigawan na nga ang mga fans ng ibang name and not the baguhang young actress’ ay talaga daw hindi na nito natiis na mag-dirty finger sign in protest daw sa tila pambabastos o pambubully dito.

“Mabuti na lamang at napakabilis ng mga pangyayari. Walang nakapag-video or else, kuyog siya sa social media,” reacted by some.

Well, masyado pa ngang baguhan si young actress to play deadpan or deaf-mute to all those bashings. She definitely needs more workshops and acting training on how to dispel if not to totally ignore such ‘provoking’ or “teasing’ or bashing.

She should learn a lesson or two from her ka-look-alike who once was called an ugly-duckling and just an ordinary face but now is a very popular one and indeed one of the most-sought after artists in town!

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *