Entertainment: Has-been na actress, kinakarma na nga ba?

Showbiz Ambush by Ambet Nabus

Sinetch Itech Logo

How true kaya ang chismax na “tinanggihan” ng isang kilalang direktor (kasama ang mga tao niya sa produksyon) ang isang aktres para sa isang project?

Here’s the simple story. This actress who was once so popular and a young superstar in her time became controversial because of her feuds with family, her husband, and even with some people who call her a ‘has-been.’

Probably not getting over with the last mentioned expression, she once more contacted her old friends from this giant network, begging for work at least for old time’s sake. Ang siste, kahit gusto sana siyang i-cast at bigyan ng special role sa isang TV special ng mga executives na gusto siyang bigyan uli ng break, nagkaroon siya ng problema sa production group na hahawak ng project. Mas pinili nga ng mga executive ang production unit ni direk over the aktres.

Ayon pa sa kuwento ng ating mga “chismackers”, ang nasabing grupo pala ay nagkikimkim ng sama ng loob sa aktres dahil hindi raw nila makalimutan yung isang project na kanilang ginawa kung saan sa gitna ng produksyon ay biglang pinahinto ito ni aktres. Kasi daw ay ayaw na raw nito ang nangyayari sa karakter niya, plus mas gusto daw nitong magbakasyon na lang dahil sa dami nga ng work nito before. Sobrang sikat kasi si aktres dati at talaga namang literal na halos hindi na nito nauuwian ang bahay niya sa dami ng trabaho.

Kaya ang ending ay bigla ding nawalan ng trabaho ang marami, lalo na ang grupo ni direk na noon ay nagsisimula pa lang sa showbiz. “Yun bang umaasa lang sa isang project isang kain mode, pero ipinagkait pa ni….(name ng aktres),” hirit pa ng source namin.

At ngayon ngang baliktad na ang mga mundo nila at iba na rin ang preference ng mga viewers and showbiz observers, mukhang nararamdaman na ni aktres ang “KARMA” niya.

Hay…buhay talaga!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *