Entertainment: Jinkee Pacquiao, nag-loloyalty check na ba sa mga friends?

Showbiz Ambush by Ambet Nabus

JinkeeBernard

Image: @jinkeepacquiao Instagram account

May halong tampo at hinanakit kaya ang comment ni Jinkee Pacquiao sa bonggang Instagram post ni Bernard Cloma (ang pandaigdigang friend ng lahat) kamakailan?

Ipinakita kasi ng sosyalerang Bernard ang isang picture ng mga mamahaling bags na kasama si Floyd Mayweather, na may caption na “I love it,” na sinagot nga ni Jinkee ng, “kay Mayweather ka na camp?”

Maaalala nating si Bernard ang naka-scoop ng ginawang pagpunta ni Mayweather sa hotel room nina Pacman after nilang manood at mag-meet sa isang NBA game kung saan nga nagsimula ang communication ng dalawang great boxers.

Si Bernard din ang very close friend nina Manny at Jinkee na kasa-kasama nila kahit pa sa pagpunta sa London kay Prince Harry, sa Miss Universe, at iba pa. Kahit nga si Pope Francis ay nakaka-piktyuran ng bongga ni Bernard!

At dahil finally ay matutuloy na ang big fight of the century sa boxing, may mga ganito nang pangyayari between friends.

Susukatin na kaya ni Jinkee ang loyalty ng mga kaibigan? Abangan natin iyan hanggang sa May 2, sa MGM Grand sa Las Vegas, USA!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *