Showbiz Ambush by Ambet Nabus
“Timing lang siguro,” ang naging sagot sa amin ni Jolina Magdangal nang makapanayam namin ito hinggil sa tila naging re-invention din niya as an artist simula nang bumalik siya as a Kapamilya.
Image: entertainment.tempo.com.ph
“Nataon lang din na mayroong offer na gaya nga nitong Flordeliza. To be fair naman with GMA 7, nabigyan at nagkaroon naman ako dun ng mga shows na gusto ko at magaganda rin talaga,” dagdag ni Jolens tungkol sa naturang soap kung saan dramang-drama ang peg niya at nakikipag-agawan ng asawa.
Pero natawa ito at natuwa nang itanong namin dito na parang mas may kilig sila ni Carlo Aquino sa naturang afternoon soap ng ABS-CBN.
“Oo nga, nagulat nga rin ako sa feedback. Unang-una kasi eh mas hamak namang bata sa akin si Carlo at never namang naging tandem kami. Sa Flordeliza nga, hayun, biglang nabuo yung mga karakter namin. And I should say na ganun kagaling na aktor si Carlo para makumbinsi niya ang maraming kinikilig sa amin na talagang mayroon siyang pagmamahal sa akin,” paliwanag pa ni Jolens na nagdagdag pang kaya siya natutuwa sa naturang soap ay dahil hindi nga daw dapat na tinotolerate sa kuwento ang agawan nila ni Desiree del Valle ng asawa.
“But still, matagal pa ang soap. We still don’t know what to expect. But for sure, very positive ang family values na makukuha ng mga tao dito,” hirit ng aktres na super happy din sa kanyang ginagawa sa Your Face Sounds Familiar dahil aniya, “sobrang kakaiba. Extreme siya sa mga ginagawa ko dati at nagagawa ko. Ang daming surprises and we all love it.”