Entertainment: Juday believes that money matters

Showbiz Ambushby Ambet Nabus

Juday_pic1

Image from http://www.adobotalkph.com/2014/08/i-do-realiserye-judy-ann-santos-premiere-date.html

Talking of money, teleserye queen and reality tv host Judy Ann Santos confirms that “money matters,” among couples.

Inamin mismo ng magaling na tv host-actress na malaking factor sa relasyon ng mag-asawa ang pera. Sa nakita daw niya sa reality show na “I DO” at bilang isa sa mga lingguhang nagbibigay ng advice, judgment, and tips sa mga couples in the contest, hindi raw talaga totoo ang kasabihang “all about love” lang ang pag-aasawa.

“Sobrang magandang learning experience and process sa akin ang I DO. Hindi lang ako nakaka-relate, dahil I also live their lives. Halos pare-pareho naman ang sitwasyon namin ng mga couples pagdating sa love, loyalty, discipline, etc. etc. At doon ko nga napatunayan na malaking factor ng isang good relationship ay yung pagkakaroon ninyo ng respeto sa pera at kung paano nito naaapektuhan ang inyong relationship. Kaya nga lagi kong sinasabi sa bawat encounter namin na money matters at hindi puro love lang. Aanhin mo ang pag-ibig kung nganganga kayo after? Sa start pa lang, yung stability ng finances ninyo dapat ginagawang consideration before getting into a more serious level which is nga either living-in or getting married,” pagbabahagi pa ni Juday.

Tahasan pang ikinuwento ni Juday na sa relasyon nila ni Ryan Agoncillo, lagi daw nilang inuuna ang pagse-settle ng mga financial obligations nila o share nila sa lahat ng gastos sa bahay at mga anak nila, bago pa man nila ayusin ang mga personal expenses nila. Pero inamin din ng actress-host na between them, ay siya itong mas magastos at mas maraming binibiling personal na bagay kaya naman daw kayod siya nang kayod!

As a host ng parehong I DO at Bet on My Baby, magkaibang disiplina raw ang natutunan niya. Pero sobrang kakaibang fulfillment din daw bilang isang tao at babae. “Although nami-miss ko ang first love kong pag-arte sa mga drama soaps, iba ang paghu-host,” sey pa ni Juday na naghihintay lang din ng good project for a drama soap.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *