Showbiz Ambush by Ambet Nabus
Dumalo kami sa story conference and media presentation ng Dreamscape project na And I Love You So.
Ito nga ang pagbabalik soap ni Julia Baretto and this time ay makakasama niya sina Miles Ocampo at Inigo Pascual na first time ding aarte sa teleserye.
Image: wazzup.ph
“Parang ang bigat ng title,” tanong namin kay Mother Biboy Arboleda, executive ng Dreamscape.
“Iba’t-ibang love stories kasi ang iikutan ng kuwento. Medyo masalimuot pang itsika, pero kilala naman ninyo ang Dreamscape sa mga ganitong projects,” sagot nito.
Magiging bahagi ng Dreamscape Summer event ang proyektong And I Love You So na katatampukan ng mga bonggang artista gaya nina Angel Aquino, Dimples Romana, Dante Rivero, Bing Loyzaga, at Raymond Bagatsing na balik-ABS-CBN na din.
Si Direk Don Cuaresma ang susubok na i-discover ang hatak at chemistry ng tatlong bagets sa gagawing love triangle ng Dreamscape.