Showbiz Ambush by Ambet Nabus
Natawa naman si Max Collins sa itinanong naming tsismis daw tungkol sa pagiging malapit nila ngayon ni Rodjun Cruz.
Image: gmanetwork.com
“Kailangan kasi Kuya, dahil may project kami. Part po siya ng trabaho,” sey ng seksi at magandang si Max na umaming loveless at walang bf ngayon.
“Nakakahiya naman po sa gf ni Rodjun. Siguro we get along well at totoo namang napaka-gentleman niyang tao. Masarap siyang maging kaibigan,” hirit pa ni Max na naging kapartner nga ni Rodjun sa isang special episode ng Magpakailanman sa GMA 7 recently.
“So, hanggang dun lang yun? Ngayong tapos na ang project, tapos na rin ang tsismis?,” hirit naman ng isang kasamahan sa trabaho.
“Maliit lang po ang showbiz. Pangit namang sabihing porke’t tapos na ang project eh hindi na kami puwedeng maging friends. Awkward lang kasi happy naman siya sa lovelife niya. Ako naman, gusto ko ding magkaroon ng madaming kaibigang lalaki not for anything dahil bukod sa nakakatulong sa pagiging tao ko, healthy naman siguro yung bukod sa mga girls eh may mga boys kang matatawag na ‘friend,” di ba?,” dagdag pa ni Max na puring-puri na nga ng marami dahil sa husay nito sa soap niyang Kailan Ba Tama Ang Mali sa GMA 7.