Entertainment: Media mogul, bata at oldie hunk actor, may secret midnight meeting?

Showbiz Ambush by Ambet Nabus

Hala, nabaliw naman kami sa tsismis na si hunk actor na wala ngayong pinagkaka-abalahan ay nakitang lumabas sa ‘suite’ ng isang kilalang media mogul, kasama pa ang isang medyo ‘oldie’ nang hunk actor na kilalang mahusay sa mga character roles na pinu-portray niya, sa TV man o movies.

“Magkasabay silang lumabas sa room nung super kilalang media mogul na may kuwestyunableng gender. Kung pagdudugtungin natin ang mga tsismis noon at ngayon, mabubuo ninyo ang kakaibang plot dahil “sila” ang most unlikely business people na makaka-deal ni…(media mogul) sa dis-oras ng gabi at sa napaka-private na lugar?,” ang nang-iintrigang analisa ng aming source.

Hindi kasi nababalita na close friends man lang sina hunk actor at character actor dahil hindi naman sila magka-edad o magka-batch sa showbiz. Si hunk actor ay produkto ng mga ‘men’s search’ at balitang bf pa rin ng isang socialite na ‘kontrobersyal’ ang negosyo ng angkan. Si character actor ay nakilalang matagal na nakarelasyon ng isang controversial actress na naiskandalo din sa usaping ‘bugawan.’ Pero in fairness, mahusay ito at madalas ngang na-sa-cite ang performances nito lalo na sa mga indie movies!

 

 

 

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *