Entertainment: Pacquiao-Mayweather fight, tuloy na tuloy na!

Showbiz Ambush by Ambet Nabus

PacmanMayweather

Image from www.foxsports.com

Sabi nga nila, pagkahaba-haba man ng prusisyon, sa simbahan pa rin ang tuloy, dahil finally, matutuloy na nga ang inaabangan ng mundo na bakbakang Manny Pacquiao at Floyd Mayweather Jr. sa May 2 sa MGM Grand, Las Vegas, USA.

Si Manny ang unang naglabas ng kopya ng kontrata na pinirmahan niya bilang patunay na totoo ang kanyang kuwento noon na mangyayari ang laban nila ni Mayweather, who, on the other hand, has a reputation for making up stories.

Manny has left the country for his much-needed training in the USA because this is indeed seen by the world as the fight of the century.

Balitang fully booked na ang mga hotel rooms ng MGM Grand mula ng kumpirmahin na matutuloy na ang matagal nang pinakahihintay na laban ng dalawa.

May mga kaibigan at kakilala ako na mga kababayan natin sa Amerika (and even those who are in other countries) na nagpa-reserve agad ng kuwarto sa MGM Grand dahil wala na talagang atrasan ang laban ng dalawang pinaka-sikat na boxers ngayon sa mundo.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *