Entertainment: Papasikat na media personality, feeling artista na!

Showbiz Ambush by Ambet Nabus

Speaking of life-changing experience, tawa kami nang tawa sa obserbasyon ng ilang kafatid sa hanapbuhay tungkol sa malaking pagbabago umano na napapansin nila sa isang sumisikat na media personality in showbiz.

Paano daw kasi ay ‘pa-know-it-all’ effect ang drama ng hitad kung mag-interview at makipag-usap sa mga artista. One time daw ay nakasabay nila itong nag-interview sa isang kontrobersyal na aktres sa mga isyung demandahan, dating asawa at iba pa.

Pa-tweetums pa daw ung una si media personality na mahilig din daw mag-po at opo at mag-kuya-ate sa lahat, kahit pa sa mga PA’s daw ng mga artista. “Noong una, kinig-kinig lang sa usapan si… (media personality) hanggang sa mag-umpisa na itong sumingit at maki-join sa amin. Ayos lang sana eh, pero yung ikunek ba naman ang life story niya na parang siya itong bida at ganun sila ka-close ni aktres, ay talagang ikinaloka namin. Ganun pala siya, para siyang si….(name ng isa pang taklesa actress-host na lagi daw may papel sa lahat),” sey ng ilang kafatid natin.

“Naku, panoorin mo siya sa programa niya. Wala yatang sitwasyon na hindi niya isinali ang sarili niya sa lahat ng isyu, Traffic man iyan o pulitika. Sayang siya, mukhang matalino pa naman, pero dangerous ang peg niya huh. Hindi ba dating nagtitinda lang daw iyan ng mga shows abroad at nagbibitbit ng mga artista? Ngayon, feeling artista na rin dahil may mga projects na daw siyang nalabasan sa TV at movies, at TV host pa?!?,” hirit ng ilan pa.

Then nag-segue ang tila isang nakasama daw ni media personality sa mga shows abroad, “Naku, tumigil nga siya. Bait-baitan kuno ang drama pero yung mga kinukumisyunang artista eh madalas niyang i-tsismis pag hindi na niya nakukuha uli. Nagulat nga ako kung bakit nasa showbiz siya at feeling may-ari ng network kung maka-name drop ng mga big names in the industry. I should know, gimik niya iyan sa mga nakakausap niya abroad.”

Ay, life changing nga hahaha!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *