Entertainment: Sarah G, may hard decision sa The Voice Philippines

Showbiz Ambush by Ambet Nabus

SarahGImage fromhttp://philtrends.com

As a Popster myself (read: diehard supporter of Pop Princess Sarah Geronimo), we are among those who console Sarah in her recent decision made in the ongoing The Voice of the Philippines Season 2.

It was truly heartbreaking to see her choose between two of her most-talented contenders. Monique Lualhati over Kokoi Baldo was such a hard decision for her to make and we feel for Sarah who wasn’t able to recover easily sa nangyari.

“Ayaw talaga niyang pakawalan at mabigat for her. In fact, sad na sad siya at umiyak pa after the show,” said an insider of the show. “Considering that the show is just on its entry to the semis, and the coming week will again test her mettle as a great coach,” added another source.

Actually, kahit kami ay litong-lito kaya’t ramdam namin ang tensyon sa Pop Princess na nahirapan talagang pumili sa kapwa magaling at deserving na makapasok sa semis na sina Monique at Kokoi. Pop vocalist si Monique na — since bata pa raw ay ‘kontesera’ na. Nakalaban na rin niya sina Charice, Angeline Quinto, at kahit si Sarah sa mga singing contests. Si Kokoi naman ay reggae singer-composer mula sa Boracay na nakilala naman sa kanyang ethnic at barefoot style.

Last weekend ay nagsimula na ang semis at may tig-dalawang competitors na lang ang bawat team nina Coaches Apl de ap, Lea Salonga, Bamboo, at Sarah.

Ito ang pinakanerve-wracking weekend among the eight contenders dahil malalaman na after their performances ang apat na matitira at maglalaban-laban for the title of being the The Voice Season 2 winner.

Kumpara sa naunang The Voice, mukhang mas exciting at mas mayroong malaking pupuntahang future sa industry ang sinumang mananalo dito- with all due respect kay Mitoy Yonting na siyang naunang winner.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *