Entertainment: Showbiz girl, ginagamit nga ba ang mas sikat na showbiz bf para lalong sumikat?

Showbiz Ambush by Ambet Nabus

Sinetch Itey

Nakakaloka naman pala ang isang kilalang actor-host na tatalunin pa daw ang isang magiting na guwardiya sa larong basketball kung guwardiyahan din lang naman ang usapan.

Aba’y kahit nga daw sobrang busy nito sa kanyang mga gawain ay inoobliga nga nito ang sarili na ‘samahan at bantayan’ ang kanyang gf (na hindi naman ganun ka-busy) sa kung tutuusin ay hindi naman importanteng mga lakad nito.

Yes, taga-showbiz din si girl at paminsan-minsang naiimbitahan sa mga shows na hindi kalakihan and yet, nagmimistula nga itong ‘big event’ dahil laging nakabantay dito ang mas sikat na bf actor-host.

Sey ng aming mga sources, “Sinasadya ni …(name ng girl) na pasamahin at bantayan siya ng bf niya para ma-feel niyang sikat siya at pinagkakaguluhan. Siyempre sa mga organizers ng event o sa nag-imbitang show, added value yun.”

Pero hirit naman ng isa pang observer, “Hindi, talagang may pagka-seloso si bf at ganun niya kamahal yung gf niya, kahit magmukhang alalay siya nito. Ok lang din sa bf na nagagamit siya dahil gusto niya ding mas sumikat pa ang loves niya.”

Well, sino nga naman tayo para mag-judge ‘di ba? Sadyang sa usaping pag-ibig, ang mga sangkot na lovers lang ang nakaka-alam ng totoong sitwasyon.

Ang itanong na lang natin ay kung bakit despite such guarding and involvement of the said famous actor-host, eh waley pa ring nangyayari sa career ni showbiz gf?

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *