Showbiz Ambush by Ambet Nabus
“Go go go” naman daw ang battlecry ngayon ng isang actress-host na simula nga daw nang mabigyan ng exposure sa show na kasali siya ay lubusan na ngang nag-inarte (read: feeling diva and superstar).
Talaga daw pong pinaninindigan na ngayon ng actress-host na very soon ay siya na itong magmamana ng trono ng isang kaanak niya na magbabago na ng estado sa buhay.
Ayon sa mga production staff na naka-tsismisan namin, “Naku, practicing na siya. Yung mga demands, mga requests, etc. And take note ha, pati sa mga spiels eh may say na siya. Another monster in the making.”
Napa-‘whaaaaat?’ talaga kami, lalo pa nang malaman naming mapapadalas daw pala ang pag-perform nito sa stage as a singer (kahit hindi naman marunong kumanta) na umano’y dream pala talaga nito since day one.
Hay… ang ambisyon nga naman kapag umatake!