Showbiz Ambush by Ambet Nabus
As the so-called boxing fight of the century comes to its final date this May, Manny Pacquiao’s camp, particularly the boxing champ himself, ay problemado sa mga tickets.
Image from HBOboxing Twitter account
Manny reportedly said that he is bent on doing everything para makakuha ng tickets for his loved ones, closest family friends, and associates.
Ang nakakaloka pa sa balita, sinasabing baka raw maging biktima na rin si Pacman ng mga scalpers na nagbebenta sa mas mataas o higit pa sa dobleng amount ng original price ng ticket.
Ayon nga sa mga observers, hindi pa man daw nagsisimula ang laban nila ni Floyd Mayweather ay tila natalo na ito sa strategy na dinemand ni Mayweather patungkol sa pagkakaroon ng higit na karapatan sa pag-control sa tickets.
At habang panay nga ang anunsyo ng updates hinggil sa praktis at training ni Pacman, halos wala naman tayong mabalitaan sa panig ni Mayweather.
And the most intriguing part of the story surrounding both camps is about these alleged pinoy experts whom Mayweather has commissioned to “spy” on everything that Manny does.
“Alalahanin natin na nagawa ni Mayweather na kunin ang serbisyo ng dalawa o tatlong pinoy para maging mga tauhan niya,” adds these observers.