Entertainment: TV-Host-Actress, pakialamera sa reality show!

Showbiz Ambush by Ambet Nabus

You may not believe this but our sources are saying that it’s true na kinarir nga pala ng todo ng isang kilalang tv-host actress ang pagpapa-text to get evicted ang sa tingin niya’y mahigpit na naging kalaban ng kanyang friend sa isang reality show recently!

Siniguro daw talaga ng tv-host actress na bukod sa pag-text para manalo ang kanyang kaibigan, siniguro din umano niyang malaglag ang sa palagay niya’y mahigpit nitong kalaban by texting against her!

Mayroon daw itong kinumisyon na grupo na magti-text lang pabor sa kaibigan at may mga grupong walang ibang gagawin kundi hilahin pababa ang boto ng sa palagay nila ay kalaban nito nang mahigpit.

Hmmm… hindi nga rin daw birong gastos ang ginugol ni sikat na tv host actress dahil ang mga grupong nabanggit ngayon ay hindi daw malaman kung saan na gagamitin ang mga USED prepaid SIMs sa dami? Hahahahaha!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *