Ngayong pumasok na ang “ber” months, asahan na ang kaliwa’t kanang party habang papalapit ang Pasko.
Bukod sa pagbantay sa fat, saNgayong pumasok na ang “ber” months, asahan na ang kaliwa’t kanang party habang papalapit ang Pasko.
Bukod sa pagbantay sa fat, salt, at sugar intake, madalas na concern din ang food poisoning, lalo na sa mga pagkaing ginagamitan ng gatas, cream, o mayonnaise. May mga putahe namang hindi maayos ang pagkaluto o matagal nang naiwang naka-expose sa init at hangin, na nagiging sanhi ng diarrhea.
lt, at sugar intake, madalas na concern din ang food poisoning, lalo na sa mga pagkaing ginagamitan ng gatas, cream, o mayonnaise. May mga putahe namang hindi maayos ang pagkaluto o matagal nang naiwang naka-expose sa init at hangin, na nagiging sanhi ng diarrhea.
Madalas, hinahayaan lang ng mga nagkaka-food poisoning na lumabas lahat ng toxin sa katawan sa pamamagitan ng pagsuka o pagdumi kung mild lang naman ang kaso.
Pero to make sure na hindi na lalala pa ang sakit, ilang paunang-lunas ang ibinahagi ng DOH consultant na si Dr. Willy T. Ong:
- Alamin ang mga nakain sa mga nakalipas na araw o 24 oras na posibleng nag-cause ng food poisoning. Itapon na ito kung may natira pa para hindi na maka-cause pa ng sakit sa iba.
- Uminom ng maraming fluid gaya ng tubig, soup, o juice. Pero kung madalas at matubig ang pagdumi, uminom na ng oral rehydrating solution (ORS). Pwedeng gumawa ng ORS by mixing 2 teaspoons of sugar and ¼ teaspoon salt in a glass of water.
- Make sure na hindi ma-dehydrate ang katawan. Bantayan ang kulay ng ihi: kung dark yellow na ito, damihan ang fluid at ORS intake.
- Huwag munang uminom ng mga gamot kontra-diarrhea, gaya ng loperamide, kung hindi naman madalas ang pagdumi. Hayaan lang na ilabas ng katawan ang toxin sa loob ng 1-2 days.
- Kung kaya na, kumain nang paunti-unti para hindi mabigla ang tiyan. Pumili rin ng malalambot at madaling ma-digest na pagkain gaya ng lugaw, clear soup, gulaman, saging, at tea. Huwag kumain ng dairy products, spicy, at fatty food.
Hindi dapat maliitin ang food poisoning at diarrhea, lalo na kung makaranas ng pananakit ng abdomen o maging severe na ang dehydration. Kung ganito na ang sitwasyon, makabubuti nang pumunta sa ospital.
(For more tips, visit the Facebook page of Dr. Willy T. Ong)