Finance: Get rich with ‘tipid’ tips

Puso ng Pamilyang Pilipino - Get rich with tipid tips

Hindi totoo para sa lahat ang kasabihang, “To win big, you have to lose big.”

Hindi rin ito practical, lalo na sa usaping pera. Though there are entrepreneurs who believe in this type of risk-taking, you can still be conservative in other aspects of your lifestyle. Lalo na kung gusto mo palaguhin ang iyong kita.

For those with families, challenge ang umasenso, especially if you’re spending more than you earn.

Where and how to save

Madalas magreklamo sina Alvin at Catherine, parehong government employees at may dalawang anak sa isang pribadong grade school. Kahit malaki na raw ang kanilang sweldo, hindi sila makapag-set aside ng anumang amount para sa mga investment dahil sa araw-araw na gastusin.

Marami ang katulad nila na hirap tumaya sa negosyo o iba pang paraang dagdag-kita, maliban sa traditional na pagtatabi ng pera sa bangko.

Advice nila Eric Go Serate at Joel Serate Ferrer, coauthors ng bestseller na librong, Paano Yumaman-50 Pera Tips to Making and Saving Money, tingnan kung saan napupunta ang iyong pera, at paano ma-control ito.

They say shopping, transportation and electricity are just some of the areas where you can cut down on expenses. Here’s how:

Be a smart shopper

Bisyo raw ng maraming Pinoy ang pagbili ng mga bagay na hindi kailangan. Nadadala lamang tayo ng advertising and we end up buying based on impulse or emotion.
Puso ng Pamilyang Pilipino - Get rich with tipid tips

Para kontrahin ito, narito ang ilang tips:
1. Palaging ilista at mag-budget ng specific items na kailangang bilhin. Aside from writing things down, sundin ang listahan, sabi ni Serate.
2. By choosing between a shopping basket or cart, you can avoid overspending. Kung gagamit ka kasi ng malaking cart, baka mapilitan ka pa na punuin ito.
3. At bago pa lumabas ng bahay para mag-shopping, mainam na kumain na kayo ng inyong pamilya bago umalis. Isa itong paraan para iwasan ang pagbili ng additional food items.
4. Kung kailangang kumain sa labas, take note sa presyo ng drinks sa menu. Kadalasang gimik daw ng ilang restaurant na magbenta ng murang pagkain habang overpriced ang mga inumin para makabawi.
5. As an alternative, try asking for service water. Kung nag-iingat sa kalinisan ng tubig, kumpirmahin kung may filtered water ang restaurant. Karamihan naman sa mga kainan ngayon ay mayroon nito, katulad sa iyong sariling bahay.

Spend less on gas

Isa sa mga daing ng mga Pinoy ang kamahalan ng presyo ng gasolina at pinalala pa ng grabeng traffic sa kalsada.

Sabi ni Serate, malaking tulong sa pagbaba ng fuel cost ang pag-monitor sa air pressure ng gulong na iyong sasakyan. Sa estimated P5,000 monthly gas expense, pwedeng makatipid ng P750 kada buwan o P9,000 sa buong taon!

Puso ng Pamilyang Pilipino - Get rich with tipid tips

Hindi alam ng karamihan na nag-iiba ang presyo ng gas. Maari itong itakda ng oil companies batay sa lokasyon ng gas station, estilo ng pamimili ng motorista, o iba pang rason. Halimbawa, madalas may kaunting kamahalan ang presyo sa isang gas station sa commercial na area gaya ng Ortigas kumpara sa isang liblib na lugar sa Quezon City.

Obserbasyon pa ni Serate, mas mahal ang presyo sa nag-iisang gas station sa isang area kung ang susunod na lokasyon ay may kalayuan. By taking note where gas is cheaper, nakakatipid siya dahil sa halos P2 na kaibahan sa presyo ng gas per litro. May P80 savings daw siya sa average na kargang full tank na 40 liters.

Care for your appliances

Energy vampires” ang tawag ni Serate sa mga appliances kagaya ng refrigerator, air-conditioner, at flat iron dahil sa malakas na pagkonsumo ng mga ito ng kuryente.

But there are ways to take care of them so they don’t suck out your savings.
1. Karamihan sa mga ito ay nasa instructions na ng iyong nabiling gamit, gaya ng dapat palaging nakasara ang pinto ng ref upang iwasan ang cold air leaks at ma-defrost ang freezer.
2. Tanungin ang salesperson bago bumili ng air-con kung 10 o higit pa ang Energy Efficiency (EER) ratio ng napiling brand. If the room is small or moderately sized, mas matipid kung mas maliit ang iyong bibilhing unit. At gaya ng instruction sa manual, linisin o palitan ang filter kada buwan para mas maayos ang pagtakbo ng makina nito.
3. Sa paggamit ng flat iron, mamalantsa lamang ng isang beses upang iwasan ang pagre-heat nito. Simulan ang mga fabric na nangangailangan lamang ng mababang temperatura at huling isalang ang mga damit na mas nangangailangan ng matinding init. Maari na itong patayin 20 minutes bago matapos sa pamamalantsa.
4. Pag-aralan din ang programang “Peak/Off Peak” ng Meralco. Pwede maging member kung 500 KWH ang iyong annual consumption sa bahay. Mas mababa daw ang rate para sa mga subscribers sa oras na off-peak, gaya ng mula 9PM hanggang 8AM, at buong araw tuwing Linggo. Karamihan kasi sa atin ang umaalis ng bahay bago 8AM at nakakauwi na sa gabi.

Mag-apply kung walang pending service irregularity o violation of contract cases, at overdue account. Bisitahin ang pinakamalapit na Meralco Business Centers o tawagan ang POP Helpline (632-8008).

Qualified customers must submit a signed POP application form that you can download from the site:http://www.meralco.com.ph/pdf/pop/POP-Brochure.pdf

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *