Pinaalalahanan ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang ating mga kababayan hinggil sa mga recruitment agencies na nagre-recruit diumano ng nurses para sa bansang Malta.
Ayon sa kanilang pahayag, walang placement agency sa Malta ang authorized na mag-recruit ng mga Filipino nurses mula sa Libya, Italy, at iba pang mga bansa for employment sa medical sector ng Malta at United Kingdom (UK), bilang compliance sa mga existing policies.
Hindi rin daw makakapagtrabaho ang mga Filipino na nurse sa Malta at UK kung wala ang mga necessary na accreditation mula sa mga governments ng mga bansang ito.
Ang mga POEA-accrediated agencies sa Malta na authorized na maghanap ng mga trabaho para sa mga Filipinos mula sa Pilipinas ay mostly in the service sector (room attendants, cleaners, personal carers/caregivers, etc.).
Para sa mga katanungan, makipag-ugnayan lamang sa Assistance-to-Nationals Section of the Philippine Embassy sa Rome: 06-39746621 extension 207 or 224.
Basahin ang advisory ng DFA dito:
DFA advisory: On the recruitment of nurses for Malta and United Kingdom