Health: Paano aalagaan ang ating mata?

by Dr. Willie T. Ong

Caringforeyes2Image from http://www.webmd.com/eye-health/ss/slideshow-eye-conditions-overview

1. Kumain ng pagkaing mabuti sa mata.

– Berdeng gulay para magpalinaw ng paningin (ex. kangkong, broccoli, camote tops (talbos), at spinach).

– Dilaw na pakwan para sa lutein

– 3K’s para sa Vitamin A — Karot, Kalabasa, at Kamatis (3 K’s)

– 3T’s para sa _________ — Tuna, Tamban, Tanigue at iba pang matatabang isda

2. Umiwas sa nakasisilaw na bagay. Huwag tumitig sa araw at maliwanag na ilaw. Subukan ding diliman ang ating computer screen at telebisyon para hindi tayo masilaw.

3. Huwag magbasa sa dilim. Mahihirapan ang ating mata sa pagbabasa sa madilim. Gumamit ng katamtamang puting ilaw (at hindi dilaw). Huwag idirekta ang liwanag sa mata.

Caringforeyes4

Image from http://www.anthro.com/blog/2013/10/how-to-prevent-eye-strain-with-the-20-20-20-rule

 4. Huwag magtrabaho ng mahabang oras sa harap ng computer o TV. Subukan ang payong “20-20-20”. Ano ito? Bawat 20 minutos sa harap ng computer o TV, tumingin sa malayong lugar (mga 20 feet ang layo) ng 20 segundo. Makababawas ito sa pagod ng ating mata.

5. Ihinto ang paninigarilyo. Umiwas din sa usok ng ibang naninigarilyo. Napakasama ng paninigarilyo sa mata dahil puwede itong magdulot ng katarata at pagkabulag.

6. Umiwas sa maalikabok at maduming lugar. Napapansin mo ba na kapag nasa mausok o maalikabok kang lugar ay namumula ang iyong mata? Kapag sumakay ka ng jeep o nag-inuman sa bar, hindi ba namumula ang iyong mata? Ito’y dahil nakakairita ang usok at alikabok sa ating mata. Nakasasama po ito sa katagalan.

7. Hindi po bawal maghilamos kapag bagong gising, bago matulog o pagkatapos mag-computer. Kailangan natin maghilamos para hindi magkaroon ng kuliti at impeksyon sa mata.

Para maalagaan ang mata, magpa-check up ng mata bawat 1-2 taon.

Note: Para sa inyong mga tanong, kumonsulta sa isang eye specialist o ophthalmologist. Sila po ang espesyalista sa mata. Good luck po.

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *