Health: Pimples: ano ang solusyon?

by Dr Willie Ong

Ang mga kabataan at mga babae ay mas nagkakaroon ng pimples (tigyawat) dahil sa kanilang hormones.

pimplesImage: †ph.makeupandbeauty.com

Heto ang mga tips:

1. Magbawas sa stress. Mas lumalabas ang pimples kung pagod ka.

2. Maghilamos ng mukha gamit ang sabon at tubig. Huwag hayaang maging oily ang mukha.

3. Para sa nag-umpisang pimples, gumamit ng cotton buds na may 70% rubbing alcohol. Linisin ng alcohol ang pimple para mapuksa ang bacteria nito. Ingatan na huwag madampian ang iyong mata.

wash hairImage: health.com

4. Mag-shampoo ng buhok sa gabi. Kapag natulog ka nang madumi ang buhok, puwede mapunta ang dumi sa mukha at magdudulot ng pimples.

5. Huwag kumain ng junk foods at oily foods.

6. Uminom ng maraming tubig at kumain ng prutas at gulay.

7. Kung may make-up, puwede linisin ng bulak at cleanser para matanggal ang dumi at make up.

8. HUWAG putukin ang pimples dahil puwedeng mag-impeksyon at mag-peklat ang mukha.

Kapag hindi pa rin gumaling, kumonsulta sa dermatologist para sa babagay na cream o face wash.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *