Health: Tipid Tips ni Doc Willie: Paano makakatipid sa medikal na gastusin?

by Willie Ong

tipid_01

1. Pumili ng isang magaling na family doctor. Ito ‘yung doktor na mamamahala sa lahat ng inyong gamutan. Kaya ng isang doktor na gamutin ang karamihan ng inyong karamdaman.

2. Gumamit ng generics. Magtanong sa doktor tungkol sa generics na gamot at murang gamutan. Huwag mahiya. Kung P30 lang ang inyong budget para sa gamot sa isang araw, sabihin ito sa doktor.

3. Itago ang lahat ng laboratory exams sa isang medical folder. Napakahalaga nito para hindi ulit-ulitin ang inyong lab tests. Kapag nawala ang inyong lab results, nawala na rin ang inyong perang ginastos.

tipid_02

Image: http://philfaqs.com/

4. Gumamit ng senior citizen card. Kapag kayo’y lampas 60 years old, puwede kayong makakuha ng 20% discount sa botika. Siguraduhing kumpleto ang reseta at sapat ang bilang ng gamot na nireseta ng inyong doktor.

tipid_03

Screenshot from http://www.philhealth.gov.ph/benefits/

5. Mag-enroll sa PhilHealth. Sa halagang P200 ba­wat buwan, may PhilHealth card na kayo. Malaki ang maitutulong ng PhilHealth card kapag kayo’y maospital. Aabot sa P20,000 ang maaawas sa inyong bayarin sa ospital. Siguraduhing kumpleto ang lahat ng Philhealth requirements habang nasa ospital.

6. Umiwas sa mga bisyo para hindi magkasakit. Bawal magkasakit, kaya bawal din ang sigarilyo at sobrang alak. Kumain din ng gulay at prutas para lumakas ang inyong katawan.

7. Magbasa ng health tips at magpa-check up. Tandaan: Prevention is better than cure. Good luck.

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *