Ilan na ang bilang ng out of school youth?

Ayon sa data ng Philippine Statistics Authority noong 2013, 3 in every 10 males ay walang interes sa pag-aaral. Nakaka-alarma ang pagtaasna ito ng bilang ng mga out of school youth lalo na sa mga kalalakihan.Batay ito sa kanilang survey covering around 26,000 sample households (excluding Region VIII) para malaman ang basic and functional literacy status, educational skills and exposure to mass media.

Kasama ko po sa interview sa Turo-Turo sina Asec. Jess Mateo ng DepEd, Prof. Maria Mercedes Arzadon ng UP Diliman, Angelina Malabanan ng DepEd Quezon City.

Ano ang out-of-school?

  • Sila ang kabataang dapat na nasa school pero wala sila roon, whether nagtratrabaho o hindi.

Top 3 reasons kung bakit hindi na nakakapasok sa school:

  1. 36.2% sa mga kababaihan ang nabuntis o maagang nag-asawa
  2. 33.1% sa mga kalalakihan naman ang may lack of personal interest
  3. 22.7% naman ang nagsasabing hindi kayang sustentuhan ang pamilya ang kanilang pag-aaral.

Karaniwan din daw, lalo sa rural areas, ay pinapagtrabaho ng magulang ang mga anak. Sila ay usually nakakatulong sa:

  • Agricultural jobs
  • Fishing jobs
  • Pag-aalaga at pag-aasikaso sa bahay (sa mga babae)

May programa ang Department of Education na practical option sa mga gustong bumalik sa pag-aaral. Isa itong substitute sa formal education sa schools. Ito ay tinatawag na Alternative Learning System o ALS.

Bakit may ALS?

  • Ito ay para sa mga hindi na makabalik sa formal school para tapusin ang basic education.

Ano ang ALS?

  • Basic Literacy Program
  • Continuing Eduacation Program

Both programs rely on modules. So, puwede itong aralin anytime, anywhere depende kung saan convenient sa learner.

Be informed! Be involved!

Twitter: @jingcastaneda

IG: @jingcastanedaabscbn

FB: Jing Castaneda ABSCBN

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *