by Meggie Ochoa
Kung magtanong ka tungkol sa Pinaglabanan Street sa San Juan City, malamang you’ll get directions on how to get there. Sasabihan ka lang na pumunta ka sa kalye sa may Arena at Fountain International School. Katabi lang ng bagong City Hall ng San Juan. Tagos nito ang N. Domingo Street at sa kabilang dulo, andun ang Santolan Road o Boni Serrano.
Marami sa ating mga Pinoy, hindi alam ang kwento ng kalyeng ito.
Stories, not just places
Kapag travel ang usapan, we don’t just want to see locations. We want stories. Ito ang ating binabalik-balikan.
Pero kapag nasa siyudad ang isang lugar, we forget that the streets are more than routes to where we want to go. May kwento rin ‘yan.
Before it was paved, Pinaglabanan Street was part of our freedom’s history. Ito ang gusto naming ma-share sa Kwentuhan, Kainan, Kilalahan sa San Juan o KKK Tour.
Habang nag-iikot, gusto naming malaman mo rin ang stories behind the street, monuments, churches, parks, and museums ng San Juan.
Our tour guide will tell you about the Spanish colonial period in San
Juan like we are among friends, at sa mismong location ng pagsugod at pakikipaglaban ng ating mga kababayang Katipunero tayo mag-uusap.
You’ll get to hear the simple reason why the street has been called “Pinaglabanan.” Bolo lang daw ang gamit ng karamihan (may mga gumamit din ng baril pero konti lang). 118 years ago, 153 young heroes ang nag-sacrifice ng kanilang buhay para sa kanilang Inang Bayan, mga bayaning nasa batam-batang edad na 20-30 taong gulang pa lang.
Educational and entertaining
There are many ways to deepen our knowledge and understanding of our surroundings.
Ang mga historians, trabaho at buhay nila ang mag-research tungkol sa history ng Philippines.
Hindi lang sa libro mahahanap ang kwento. Pwede tayong mamasyal at matuto.
By visiting the Santuario del Sto. Cristo Church you will find out na 400 years na itong nakatayo kahit na ilang beses na nagiba.
Pasok lang sa Museo ng Katipunan at alamin ang mga kontrobersiya kaugnay sa KKK at kay Andres Bonifacio. Mas mainit pa pala sa latest showbiz tsismis ang mga dating naging issues ng mga Katipunero.
Food and other trips
Of course, hindi mawawala ang kainan sa tunay na Pinoy na kwentuhan.
Kaya sa KKK Tour, matitikman ang mga specials of several original San Juan food spots. Because they have been serving residents for years, they’ve become part of the city’s rich history.
Isa sa mga exciting features ng tour ang re-enactment ng giyera sa Pinaglabanan, ang Battle at San Juan del Monte, kagaya ng mga water fight tuwing fiesta dito, ang Wattah Wattah festival. Bigay-pugay ito kay San Juan Bautista sa pamamagitan ng paggamit ng tubig na gaya ng sakramento ng binyag.
At dahil masarap ang kwentuhan at kainan, it’s easy to make friends with others on the tour.
For the price of P500, including the tour guide, entrance fees, food, transportation, you gain wisdom, experience, and friends. Imbes na mag-mall this weekend to watch a movie or eat out at the cost of more than P500, try the KKK tour.
Mag-detour sa Pinaglabanan Street at magkwentuhan at kainan tayo.
Images from http://www.facebook.com/proophinc
Meggie Ochoa is the Chief Operating Officer of prooPH, a multi-disciplinary company showcasing Filipino pride through various products. The KKK Tour is part of their Microcawesome Tours.