Almost 10 years na si Gemma sa The Netherlands. In fact, doon na siya nagka-baby. Dahil Dutch na ang salita nila sa bahay, gusto ni Gemma na turuan ang kanyang anak ng Filipino.
The last time she came home to Manila, she scoured the bookstores for resources and picture books that can teach her child the basics. Ang kaso, hindi ganun kaganda ang mga nakuha niya.
“Naghahanap din nga ako online ng books and resources from the Philippines na pwedeng i-order, pero ganun din, hindi siya kasingganda,” kwento ni Gemma sa isang Viber conversation recently.
Hindi naman confident si Gemma sa knowledge niya about balarila o grammar dahil Kapampangan siya.
Swerte na lang ni Gemma dahil naglabas ng WIKApedia ang Official Gazette ng Republic of the Philippines. Isang online compilation ng mga basic grammar lessons at clarifications about grammar and the Filipino culture.
Ginawa ito as part of the “Buwan ng Wika” celebration last August.
Among the lessons being taught there are:
- Wastong paggamit ng “NG” at “NANG”
- Differences ng “MAARI” at “MAAARI”
- Tamang paggamit ng gitling o hyphen
- Rules sa paggamit ng “RIN” at “DIN”, “RAW” at “DAW
at marami pang ibang lessons, in a very fun and light manner.
Hindi man kumpleto o exhaustive ang lesson sets, layunin ng WIKApedia “na mapalalim ang kaalaman ng bawat Pilipino sa kanyang pagka-Pilipino, nang maging isang responsible citizen: sa isip, sa salita, at sa gawa.”
Pwedeng mag-aral ang mga katulad ng baby ni Gemma o mag-review ang mga medyo kinakalawang na ang Filipino, lalo na ang mga mahilig gumamit ng “text notation” at jejemon sa mga cellphone o online messages, o mga nagtatrabaho sa mga call center by visiting: https://m.facebook.com/govph/albums/797156250328640/?refid=56