Let’s help Sophie, ALS patient

Hi guys! Sumulat sa aking Fan Page si William Borja asking for assistance para sa kanyang wife na si Sophie.

52 years old na si Sophie at almost 6 years nang nagsa-suffer from Amyotrophic Lateral Sclerosis or ALS.

2009 nang nagsimula siyang hirap na makahawak sa mga objects gaya ng kutsara. By 2010, she was diagnosed with motor neurone disease or MND, na siyang katumbas na rin ng diagnosis for ALS. 2011 nang maparalyze ang isa niyang braso, and after a year, hirap na rin siyang lumakad. Isang taon pagkatapos nito ay kinailangan na niyang mag-wheelchair. 2014 nang siya’y naging bedridden and before the end of 2014, hirap na siyang huminga at kailangan na ng ventilator. Their family is spending P8,000 a day for Sophie’s medical needs, kasama na ang daily rental para sa ventilator na umaabot ng P2,500/day.

May business ng acrylic fabrication ang family ni William. Before Sophie got sick, the business was providing for their family well enough. But now that mataas ang medical expenses ni Sophie, William, together with his children, are trying their best para matugunan ang mga pangangailangan ni Sophie. William’s daughter is Sophie’s nurse while his son takes care of the family business.

Matatandaang naging matunog ang ALS nang sumikat ang Ice Bucket Challenge to promote awareness of the disease at para mag-encourage ang pagbibigay ng donations to research.

Ang ALS ay isang motor neurone disease characterized by stiff muscles, muscle twitching, at ang patuloy na panghihina. Walang gamot para rito. Karamihan ng pasyente ay namamatay dahil sa respiratory failure.

Here are Sophie’s photos before she got affected by ALS:

FAMILY PICTURE

PINK SISTER

 

At narito po ang panawagan ni William:

Nagsimula na po ng fundraising activity ang family nila William by way of selling paintings. To view the paintings for sale, you may visit his Facebook group at DONATION FOR MEDICAL NEEDS OF SOPHIE

image1

Sana po ay matulungan natin si Sophie at William. To contact their family, you may reach William at the following contact numbers:

0998-971-5700
(02) 516-8094

Puwede rin po kayong mag-post ng mensahe sa aking Fan Page, Instagram, at Twitter (JingCastanedaABS-CBN) at ipararating namin iyon sa kanila. Any help you can extend to them, no matter how small, will go a long way.

Tulad po ng lagi naming sinasabi, sa tulong ng Diyos at ng isa’t isa, kaya nating harapin ang anumang problema. Kapit lang po sa Panginoon, at hayaan nating gamitin Niya tayong instrumento para makagawa ng kabutihan at pagbabago.

God bless po!

Jing Castaneda ang Iyong Kasambuhay

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *