Nakatutulong ang computer at gadgets sa atin to learn more about the world and to speed up the work we need to do, whether sa school or sa trabaho, or sa mga personal na pangangailangan, gaya ng pakikipag-communicate with family and friends.
Pero, nakakahadlang din ito sa learning at sa paglago ng mga relationships if we spend too much time using them. Kaya sa mga kabataan, nararapat lamang na maturuan sila habang maaga pa kung paano gamitin ang technology to build better relationships with friends, and especially with the family.
For teen children in school, two hours a day ang rekomendadong pinakamahabang oras ng kanilang paggamit ng mga gadget gaya ng computer. Usually, they use computers for schoolwork at para makipagkuwentuhan or chat sa mga kaklase at kaibigan on Facebook. Kung before, telebabad ang uso sa mga teenagers, ngayon, online chat na.
OFW Parents and gadgets
Parents overseas have more spending power and have more money to buy gadgets. Pero iwasang bilhan ang mga anak ng lahat ng gadgets na available sa market – this can be an obstacle din to your children’s learning and education. Pwede rin itong maka-apekto sa family bonding.
Dapat gamiting tool ang mga gadget para buklurin ang pamilya. Sa dami ng paraan para mag-communicate through gadgets, mahirap magkaroon ng excuse para hindi makapag-usap maski once a day ang family members. Technology SHOULD BE USED and MAXIMIZED to improve relationships and bridge family members who are apart.
Make sure gadgets will enrich and strengthen your family, lalo na’t kayo’y magkakalayo. Make it a must na makapag-Skype ang mga bata with you regularly. On Skype, aside from regular kwentuhan, you can help them do homework or research for school kaysa sa nauubos ang oras nila playing computer games on their own or spending so much time on Facebook.
Gadgets and computers have a lot of benefits for our fast-paced lives. Gadgets should not only serve as pangsermon sa mga anak, kundi pangkuwentuhan din. Para sa mga pamilya, lalo na kapag magkalayo, kailangan may appointment call. Time should be set aside — parang nagde-date — para magkita online ang mag-ama, mag-ina, magkapatid, mag-asawa. Mas masuwerte tayo ngayong may available nang technology na nagagamit natin to communicate with each other. Noon, sulatan at padalahan ng tape recording… 7-14 days bago umabot sa family member sa ibang bansa.
Importante ang schedule
Makabubuti kung turuan ang inyong mga anak how to use the gadget or computer ayon sa daily schedule. Maaaring gamitin ang ganitong schedule para sa mga bata:
2 hours computer – surf / research for homework, chat with friends
30 minutes read a book
20 minutes chat with mama and papa
1 hour study
30 mins sports activity
SLEEP by 10:00pm
Experiment on the above daily schedule and adjust it kung hindi type ng anak. Depende rin kasi ito sa edad ng inyong anak. Ask your child for inputs, baka may iba pa siyang kailangan i-consider. Pag-usapan sa maganda at kalmadong paraan ang pagbubuo ng schedule. Makatutulong din kung i-post ang schedule sa isang visible na area sa bahay, preferably sa may computer area. Recommended ang schedule na ito sa lahat ng pamilya, may OFW man o wala sa pamilya.
As always, when setting limits on gadgets and computer use, do not scold or punish them. Ang importante, maipaliwanag sa mga anak nang maayos ang tamang paggamit ng mga gadgets. Try to set a good example din by not being too attached to your own gadgets like your phones or tablets. Mahirap, but if there’s a will, there’s a way.
Hindi naman masama ang magkaroon ng gadgets – we just have to learn how to use technology to make our lives better and more connected. Let’s use technology to reach out to our loved ones. Para ramdam na ramdam pa rin ng mga kaanak ang pagmamahal ng isa’t isa.
Photos courtesy of the Yao and Trono families.