New Bohol airport construction begins this summer

Last summer, nagkayayaan ang mga kapatid ni Linda na mamasyal sa Bohol. Excited to see the natural wonders of the island, naging isang malaking grupo sila ng family members na dumating sa Bohol. Though they enjoyed every single day of their stay on the island, nahirapan sila sa airport nang pabalik na sila sa Manila. Bukod sa haba ng pila sa mga counters, masikip pa mismo sa loob ng airport.

tagbilaran_IMG_1120

Stories like this will soon be a thing of the past dahil magsisimula na this summer ang construction ng eco-friendly international airport sa isla ng Panglao in Bohol. It will feature environmentally-friendly technologies, in line with the province’s thrust in eco-tourism.

Scheduled to be completed in 2017, the airport is designed to accommodate one million passengers annually.

theboholairport

Image: ppp.gov.ph

Ayon kay Department of Transportation and Communications (DOTC) Secretary Jun Abaya, mahalaga ang pag-aayos ng airports para sa ikauunlad ng bansa. “In a country filled with tourist hotspots on islands separated by seas, it is vital to develop and modernize our airports not only to better service our passengers, but to also enable economic growth for our people,” paliwanag niya.

Nagkakahalaga ng 3.36 billion pesos ang construction project.

Kasalukuyang nasa Tagbilaran ang airport sa Bohol. Kapag nagbukas na ang Panglao Island International Airport, isasara na ang airport sa Tagbilaran.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *