Paalala lang po mga #kasambuhay, in less than 2 months, hindi na po puwedeng gamitin at wala nang value ang mga lumang pera. Make sure na napapalitan niyo na po ang mga ito.
Heto po ang ilang important reminders para sa demonetization of old bank notes:
- Sa mga #OFW na nasa abroad at may hawak ng old banknotes which could not be exchanged within the prescribed period, puwede po kayong mag-register online sa BSP website (www.bsp.gov.ph) mula October 1, 2016 hanggang December 31, 2016. Ang mga banknotes na luma ay puwedeng mapapalitan within one (1) year from date of registration.
- Ang lumang bank notes ay magagamit hanggang December 31, 2015 na lamang sa pagbabayad at pagbili ng goods and services, other financial transactions using cash. (Naku, yung mga mamamasko po, make sure bagong pera na ang matanggap mula kina Ninong at Ninang! Hehehe 🙂
- Simula January 1, 2016 hanggang December 31, 2016, maari pa ring maipapalit ang inyong lumang pera sa authorized financial institutions — universal and commercial banks, thrift banks, rural and cooperative banks from old banknotes to New Generation Currecny (NGC) nang walang bayad. Puwede ring ipapalit ito sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) or regional offices and branches sa buong bansa.
- Ang mga government institutions naman na may hawak na old banknotes ay hindi puwedeng magpapalit during the prescribed period, yung mga banknotes used as evidence in litigation case, will have to request the BSP Cash Deaprtment in writing within the period of exchange, para sa special exchange arrangement.
- Simula January 1, 2107, ang lumang banknotes ay hindi na talaga puwedeng mapapalitan or talagang wala nang monetary value and are considered demonetized.