January 15, 2015, Huwebes ang pinakahihintay na pagdating ni Pope Francis sa Pilipinas.
– 5:45 pm – ang dating ng kanyang flight mula sa Colombo, Sri Lanka. Sakay ng Sri Lankan Airlines, lalapag ang eroplano niya sa Villamor Airbase sa Pasay.
Image from http://newsfirst.lk/english/wp-content/uploads/2015/01/pope.jpg
Trivia: Sa Vatican protocol, when leaving the country he is visiting, ginagamit ng Santo Papa ang national carrier ng bansang pinanggalingan niya. Kaya Sri Lankan Airlines ang gagamitin niya parating sa Pilipinas, habang Philippine Airlines naman ang gagamitin niya pag-alis dito sa ating bansa, pauwi ng Roma.
– Who will meet him?
President Noynoy Aquino, Papal Nuncio Giuseppe Pinto, Chief of Protocol Ambassador Celia Anna Feria, Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle, Archbishop Soc Villegas, at mga representatives mula sa simbahan at pamahalaan.
– Arrival ceremonies
Magkakaroon ng maikling programa kung saan papatugtugin ang National Anthem ng Pilipinas at ang Pontifical Hymn ng Vatican.
Lanie at Mark, mga batang sasalubong kay Pope Francis sa kanyang pagdating. Nakakatuwa sina Mark and Lanie when I met them. Sa kabila ng kanilang kahirapan at mga problema, bibong-bibo at positive pa rin sila sa buhay.
– Sasayaw ang 1,200 na kabataan ng “Awit ng Pagbati”. Bibigyan ang Santo Papa ng mga bulaklak nina Lanie Ortillo (9 years old) at Mark Angelo Balberos (10 years old). Sina Lanie at Mark ay mula sa mga mahihirap na pamilya at kinukupkop ngayon sa Tuloy sa Don Bosco sa Paranaque.
– Motorcade
By 6:00 pm, magsisimula na ang motorcade ng Santo Papa mula sa Villamor Airbase hanggang sa Apostolic Nunciature sa 2140 Taft Avenue.
Traffic Advisory
May ilang mga kalsadang isasara sa traffic. Kung nais ninyong makita si Pope Francis sa araw ng kanyang pagdating, mag-abang sa mga kalsadang kanyang dadaanan (The route has not yet been finalized for security reasons. Please continue to monitor my column and other news outlets for updates on this).
Kagaya ng pagnanais ni Pope Francis na maging bukas ang simbahan sa lahat, bukas rin ang Popemobile na kanyang sasakyan. Nais ni Pope na madaling makababa mula sa Popemobile sakaling he wants to meet someone in the crowd.
Inaasahang 6:45 ng gabi ang pagdating ni Pope Francis sa Apostolic Nunciature.
PLEASE CONTINUE TO CHECK US OUT FOR UPDATES AND TIPS ON THE PAPAL VISIT.
Please don’t hesitate to tweet (@JingCastaneda) or post your messages here in my column, or via my Facebook (Jing Castaneda Abscbn) for any clarifications.