Papal Visit 101: Day 4 afternoon (Sun., Jan 18), Mass at Quirino Grandstand (Luneta)

Sa Day 4 ng Papal Visit, January 18, Sunday, dalawang events sa Manila ang dadaluhan ni Pope Francis. Sa umaga ay ang meeting with the religious leaders at encounter with the youth sa University of Santo Tomas, at sa hapon ay ang huling misa ni Pope Francis sa Pilipinas, na gaganapin sa Quirino Grandstand sa Luneta.

Read: Papal Visit 101: Day 4 morning (Sunday, Jan 18), Encounter with the Youth sa UST

pope101_luneta_01

At the Quirino Grandstand for TV Patrol live report on Luneta Papal Mass

2:30 pm gaganapin ang open motorcade mula sa Apostolic Nunciature patungong Quirino Grandstand.

3:30 pm idaraos ang huling misa sa Pilipinas ni Pope Francis sa Quirino Grandstand.

pope101_luneta_03Image from http://www.rizalpark.ph/map/2014/05/quirino-grandstand

6:00 pm inaasahang matatapos ang misa; babalik na si Pope Francis sa Apostolic Nunciature 

pope101_luneta_02

Image from http://www.balita.net.ph/2014/11/17/quirino-grandstand-pinagaganda-para-sa-papal-visit/

FAST FACTS

–  i-e-ere nang live sa Vatican ang misa na nasa wikang Ingles
–  5-6 million people expected to attend
–  dadalo rin si President Aquino, pati mga representatives mula sa pamahalaan at ang diplomatic corps
–  magdala ng mga imahen ng Sto Nino at bilang pagsalubong kay Pope Francis, sasayawin ng crowd ang Sinulog dance na ituturo ng mga Cebuanong deboto ng Sto. Nino  (Pista ni Sto Nino ang araw na ito).
–  2,500 priests at 200 na obispo ang magco-concelebrate ng misa kasama ni Pope Francis
– 1,000-member choir mula sa mga iba’t-ibang diocese, at 200-piece orchestra
–  Fr. Manoling Francisco, SJ ang sumulat sa karamihan ng mga awit
–  5,000 Eucharistic Ministers na magdi-distribute ng communion mula sa 20 Communion Chapels. Bilang tanda, ang mga Communion chapels ay may mga puting communion umbrellas na may logo ng Papal Visit.
–  sisindihan ang mga kandila habang aawit ang attendees pagkatapos ng misa.

FRIENDLY REMINDERS

  1. Bubuksan lang ang INNER PERIMETER ng Quirino grandstand ng 6:00 am ng January 18 at isasara ng 1pm para sa paghahanda sa misa.  Pero sa outer perimeter, puwedeng maglabas-masok ang mga tao.
  2. Bawal mag camp-out at magtayo ng tent malapit sa Quirino grandstand.
  3. Maraming kalye ang isasara sa paligid ng Quirino Grandstand, kaya maging handa sa paglalakad ng halos dalawang kilometro.

For additional information sa pagdalo ng misa sa Luneta, read Luneta 101 for tips, reminders, parking areas, and drop-off points.

PLEASE CONTINUE TO CHECK US OUT FOR UPDATES AND TIPS ON THE PAPAL VISIT.

Please don’t hesitate to tweet (@JingCastaneda) or post your messages here in my column, or via my Facebook (Jing Castaneda Abscbn) for any clarifications.

Jing Castaneda ang Iyong Kasambuhay

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *