Lola Pili was rushed to the hospital one morning dahil sa paninikip ng dibdib. Iyon pala, inaatake na siya sa puso. Buti na lang, marami siyang anak at apo na sasagot sa mga hospital bills niya.
Pero hindi lahat ng mga seniors ay hindi kasing suwerte ni Lola Pili. Maraming seniors sa Pilipinas ang hirap sa mga medikal na gastusin, lalo na kapag unexpected ang kanilang hospitalization. Hindi biro ang magkasakit, lalo na sa mga matatanda.
Buti na lang, PhilHealth now provides mandatory lifetime membership for all senior citizens aged 60 and above.
Ayon sa RA 10645 that was signed into law last November 2014 by President Aquino, maaari nang makapag-avail ang mga senior citizens ng PhilHealth benefits kapag nakapag-register na sila.
Para maging miyembro, mag-submit lamang ng registration form kasama ng isang valid ID. Ilan sa mga maaaring gamitin na valid ID ay ang Senior Citizen ID or any government-issued ID that reflects the registrant’s date of birth.
Libre na po ang monthly contributions ng mga senior citizen.
Dagdag pa rito, maaari ring mag-declare ng dependents ang mga seniors. Maaaring i-declare ang kanilang asawa, anak, o mga magulang:
Requirements for declaration of dependents:
1. Asawa (hindi pa member ng PhilHealth)- marriage certificate
2. Mga anak, 21 gulang pababa, wala pang asawa o trabaho- birth certificate
3. Anak na 21 gulang pataas ngunit may disability – birth at medical certificate
4. Mga magulang, mahigit 60 years old – magdala ng photocopy ng senior citizen ID
Para sa mga katanungan o paglilinaw, maaaring tumawag sa PhilHealth Action Hotline sa 441-7442.