Inilunsad kamakailan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang PINK4 project- “Para sa Interes Ng Kababaihan, Kabataan, Katandaan, Kapansanan”, na siyang magbibigay ng special privileges sa mga kababayan natin sa mga public utility vehicles, lalo na kapag rush hour.
Mayroon nang mga public utility vehicles- bus, jeep, at taxi- na eksklusibong magsasakay lamang ng mga kababaihan, minors, seniors, at Persons With Disabilities (PWDs).
Ang kauna-unahang Pink Bus na mula sa RRCG Transport ay bibiyahe mula Cainta sa Rizal hanggang sa Quiapo, Manila from 4-10 in the morning at mula 4pm hanggang 10 ng gabi. May libreng wifi on board and for added security, may CCTV camera rin.
Image: Dennis Datu
“Mahihiya na ang mga lalake makipagsiksikan kapag nakita nilang for ladies only,” ayon kay Tess, na madalas ay nababalya ng mga lalake sa pagsakay sa mga punuang bus.
May 60 namang pink taxis ng LBR Transport Inc., owned and operated by TV host and actor Luis Manzano, ang kasama sa proyekto.
Image: STAR/Robertzon Ramirez
According to Manzano, magandang chance ang PINK4 para makapagbigay ng serbisyo sa lipunan. “When we heard of this PINK4 advocacy nobody opposed us since we understand we have this duty to give back.”
Last February, may 14 jeepneys din na nagpa-arangkada sa PINK4 project na may biyaheng Pateros-Guadalupe at Trinoma-Tandang Sora. Ang mga jeep ay bumibiyahe during rush hours — from 6-9 sa umaga, at sa hapon, mula 4 hanggang 7 ng gabi.
Image: Dennis Datu
According to LTFRB board member Ariel Inton, the PINK4 project is for those sectors in public that need special care from the transportation industry. “Yung programa natin ay para mabigyan natin ng prayoridad yung mga sektor na sa tingin natin ay mas kailangan nila ng respeto, mas kailangan nila ng kalinga.”
According to LTFRB Chairman Winston Ginez, 60% ng mga commuters sa siyudad ay kababaihan.
Pareho lamang ang fare rate sa mga Pink PUVs, liban na lamang sa mga applicable discounts for students, seniors, and PWDs.