Entertainment: Hunk actor, nang-api ng facialist

Showbiz Ambush by Ambet Nabus

Epal ngang matatawag ang isang feeling super sikat na hunk actor na ito. Aba biruin ba naman ninyong sa pag-iinarte nito ay may mga tao siyang nadadamay at nasasagasaan?

Ayon sa tsika ng aming source, identified as “endorser” nila ang hunk actor sa kanilang klinika kung saan may mga serbisyong pampaganda, pampapayat at iba pa ang ini-ooffer nila.

One time daw ay nagpa-skedyul si hunk actor sa paborito niyang ‘facialist o beauty therapist’.

“In fairness naman, mga two hours before closing time yun,” sey pa ng kausap namin. Kaya kahit daw mayroong loving boyfriend at mga dear friends si beauty therapist na naghihintay para sa isang pampamilyang selebrasyon, naobliga daw itong maghintay para sa hunk actor dahil aniya, “trabaho po eh.”

Ipinakansela daw ng mga ito ang nauna nilang reservation sa isang restaurant dahil na-anticipate na nga daw nito ang pagkakaroon ng delay lalo pa’t sa pagtatangka niyang pakiusapan ang hunk actor ay natarayan pa siya nito.

“Siyempre po ang feeling ko naman kahit paano, close na kami dahil regular nga akong gumagawa sa kanya. Kaya’t nakiusap ako na sana aagahan na lang namin ang session para sa kanya,” ang maluha-luhang tsika ng beauty therapist na nakausap namin.

Bukod daw kasi sa pagsasabing wala itong pakialam at bakit marunong pa ito sa skedyul niya, ay nagkomento pa daw si hunk actor nang ganito, “Magpasalamat nga kayo na tumatanaw pa ako ng utang na loob sa klinika ninyo. Ang dami-dami kayang kumukuha sa akin na iba diyan. Binabayaran pa ako.”

Kaya’t sa takot daw ni beauty therapist ay naghintay na lang ito sa takdang skedyul ni hunk actor. Hanggang sa makatanggap nga sila ng tawag mula dito, mga 30 minutes before the real closing time.

“Sorry, naiipit ako sa trapik, Hindi na ako aabot. Kansel na lang natin at puntahan mo na lang yung lakad mo,” ang buod daw ng mensaheng nakarating sa beauty therapist mula kay hunk actor na humirit pang, “Siguruhin mong maaga ka bukas ha? Dadaan ako.”

Naloloka man ang beauty therapist ay nagawa pa rin nitong magpatawad at magsabing ganyan talaga siguro ang naibibigay ng kasikatan sa isang artista. At dahil may warning na maaga itong dumating sa klinika, tinupad naman ito ng therapist, pero no show as in waley sa pagpapakita si hunk actor.

Nakakalokang kayabangan di ba? Feeling may-ari na, super feeling na importante pa? Hay naku, masarap siyang bigyan ng mag-asawang sampal sa totoo lang!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *