Entertainment : Veteran actresses, naka-diapers na on location!

Showbiz Ambush by Ambet Nabus

All of us should learn a lesson or two from this blind item. This may sound ridiculous and funny, but it’s very practical and yes, is promoting a healthier lifestyle!

This is about two veteran actresses who were joined by teen actors in an out-of-town location shooting. Ang nangyayari kasi sa mga production ngayon ay nagtitipid sa oras at gastos ng mga artista, kaya sa isang VAN na lang sila pinapasakay.

One time na pauwi na ang grupo mula sa malayong location ay sobrang naipit ang mga ito sa trapik at baha at inabot sila ng halos tatlong oras na hindi gumagalaw o umaandar. Marami nga daw ang sinumpong ng ‘tawag ng kalikasan’ sa mga nakasakay sa service van gaya ng mga teen stars, veteran actors at mga handlers and PA’s nila.

“Wala talaga kaming choice kundi ang maghanap ng pinaka-malapit na convenience store para magawa ang dapat. Kahit na mag-cause pa uli sa amin ng another hour of traffic ay ginawa namin talaga,” kuwento ng source namin.

Ang ikinatuwa daw at actually ikinainggit nilang lahat ay yung ‘peg’ ng dalawa nilang veteran actresses na kasama sa van na super chill, relax at cool lang nagpapahinga habang ang mga bagets daw ay taranta na sa pamimilipit sa pagtitiis kontrolin ang mga ‘ihi’ nila.

Nang finally ay makakita sila ng convenience outlet, lahat daw ay bumaba pati yung mga veteran actresses na still very cool at pakanta-kanta pa ang emote while going to the CR.

Then nang magkuwentuhan na pabalik at nagtatawanan na sila sa experience ng pagtitiis ng “ihi” at iba pa, noon na daw inilabas ng mga veteran actresses ang mga bagong binili nilang ‘adult diapers’ na umano’y matibay at bongga nilang kakampi sa mga ganung pagkakataon.

Kaya pala bumaba din ang dalawa ay para magpalit at maghugas lang din, then sabay buy uli ng bagong supply na according daw sa mga mismong words nila, “Tatagal uli kahit 24 hours pang maipit sa baha at trapik.” Hahahahaha!

Kaya naman daw walang nasabi ang mga teen stars nilang kasabay dahil in terms of being fresh and feeling cleaner, talbog daw ang mga ito sa mga veteran actresses! Tunay na tunay hahahahaha!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *