Tips para mabawasan ang malimit na pag-ihi at pagdumi

pope_crowd_healthad

Image: philstar.com

Since I will be covering at the Luneta, I asked Dr. WIllie Ong for advice on how to lessen urination.  Sa dami kasi ng mga taong pupunta sa Papal Mass, I’m sure mahaba ang pila sa portalets.

Ito ang mga payo ni Dr. Willie Ong:

1. Okay lang po to just sip water to lessen urination.

2. Paano hindi iihi ng 8 hours? Bawal po iyon. Baka mag-kidney failure kapag natuyuan ang kidneys. Parang po ‘yang halaman, ‘pag hindi nadiligan, namamatay. Subukan na lang po ang paggamit ng adult diaper  :-)

3. Dumumi muna bago pumunta sa Papal site. Every 1-3 days naman ang pagdumi ng regular ng tao.

Thank you, Doc Willie 🙂

HEALTH ADVISORY (For Papal Visit):
From Dr. Willie T. Ong

Mga Sakit Na Pag-iingatan:
1. May nahihilo dahil sa init o low blood sugar (hypoglycemia).
2. May na-High blood pressure o sumakit and dibdib dahil sa init at pagod.
3. May hinihimatay sa kakulangan ng oxygen sa dami ng tao.
4. May nagtutulakan at nasusugatan.

Heto ang aking payo:
1. Kumain muna at inumin ang maintenance na gamot bago pumunta.
2. Magdala ng sariling tubig inumin para makaiwas sa heat stroke.
3. Magsuot ng komportableng baro at sapatos dahil malayo ang iyong lalakarin.
4. Mag-lagay ng sunscreen o sunblock. Magsuot ng sumbrero kung mainit, o kapote (raincoat) kung umuulan.
5. Puwedeng magbaon ng tissue at alcohol, dahil baka sakaling gagamit ng kobeta.
6. Puwede magbaon ng gamot at biscuit kung sakaling mahilo.
7. Pumunta ng regular sa banyo o portalet para umihi. Masama ang matagalang pagpipigil ng ihi. Puwedeng magsuot ng Adult Diapers.
8. Umiwas sa may sakit at inuubo, at baka mahawa kayo.
9. Alamin kung nasaan ang mga health stations.
10. Bawal po magdala ng backpack o malaking bag.

Tandaan: Kung may karamdaman kayo, baka puwedeng sa TV na lang manood ng Papal visit. Ang taimtim na panalangin pa rin ang mas mahalaga. God bless po.

pope-francis2_philsbanner

PLEASE CONTINUE TO CHECK US OUT FOR UPDATES AND TIPS ON THE PAPAL VISIT.

Please don’t hesitate to tweet (@JingCastaneda) or post your messages here in my column, or via my Facebook (Jing Castaneda Abscbn) for any clarifications.

Jing Castaneda ang Iyong Kasambuhay

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *