
Tuloy na ang dry run sa Monday, January 12, 6:00 pm para sa Papal Visit. Kaya maghanda para sa matinding traffic sa oras na ito at magbaon ng maraming pasensiya sakaling nasa mga apektadong lugar. Kung maaari, magbago ng ruta o iwasan na lang muna ang mga areas na ito.
Sabi ni MMDA Chairman Francis Tolentino, 6pm sisimulan ang dry run, na siya ring oras ng pagdating ni Pope Francis sa darating na Huwebes, January 18.
Ito ang ruta ng dry run na ibinigay ng MMDA for January 12, Monday, 6PM:
1) MULA VILLAMOR AIRBASE KUNG SAAN LALAPAG ANG EROPLANO NG SANTO PAPA,
2) LALABAS NG ANDREWS AVENUE,
3) KAKALIWA SA TAPAT NG DOMESTIC (AIRPORT ROAD),
4) KANAN SA PARK AND FLY (NAIA ROAD),
5) LALABAS NG ROXAS BOULEVARD
6) DIRETSO NG QUIRINO
7) KANAN NG TAFT AVENUE PAPUNTANG PAPAL NUNCIATURE.
Magkakaroon ng magkukunwaring Pope Francis sa dry run. Magkakaroon din Popemobile at convoy. Nilinaw naman ni Tolentino na hindi ipapatupad ang “no-fly zone” sa gabing iyon.
Inaabisuhan bukas ang mga may flight na agahan ang pagpunta sa airport dahil siguradong magiging usad-pagong ang traffic.
Apektado rin ang mga trucker pati na ang mga dadaan sa Tromo Road, Andrews, SA-LES, service road papunta ng Merville, Baclaran at Quirino.
Isa pang paalala sa lahat na bawal ang pagdadala na malalaking bags, mga payong, patalim, at mga armas sa mga Papal Visit activities.
May estimated na 20,000 na pulis, 17,000 na sundalo, at more than 20,000 Catholic volunteers at barangay tanod ang ipapakalat para sa seguridad ng Santo Papa at sa mga dadalo ng pagtitipon.
PLEASE CONTINUE TO CHECK US OUT FOR UPDATES AND TIPS ON THE PAPAL VISIT.
Please don’t hesitate to tweet (@JingCastaneda) or post your messages here in my column, or via my Facebook (Jing Castaneda Abscbn) for any clarifications.
