Mga #kasambuhay, hilig mo bang kumain ng saging? Sabi nila, saging lang ang may puso!! Talaga! Saging lang ang may puso dahil kaya nitong mas pagandahin ang ating kalusugan!
Narito po ang 10 effective health benefits ng saging:
1. Provides more energy. – Bukod sa iniinom nating “energy drinks”, “energy bars” at kung ano pang pampa-boost ng lakas tuwing nag-eexercise, mabisa rin ang saging sa pagbibigay ng energy. For me, proven din po na nakababawas ng sakit ng katawan right after an adventurous activity.
2. Helps overcome depression – nai-coconvert niya ang high levels of tryptophan into serotonin, ang happy-mood sa ating brain.
3. High in fiber that prevents constipation – Sa mga hirap pong dumumi, aba eh mabuti po ang saging dahil sa high fiber content nito. Nakatutulong din po itong i-normalize ang bowel motility.
4. Helps prevent diarrhea – Dahil nga po sa kayang i-normalize ng saging ang bowel motility, kasama na rin po dito ang pag-soothe niya sa digestive tract sakaling kayo po ay may LBM.
5. Helps prevent kidney cancer, protects the eyes and builds strong bones through increasing calcium absorption.
6. High in potassium, low in salt – recognized din po ang banana to lower your blood pressure, lalo na po sa mga may high blood, and also protects you from heart attack and stroke.
7. Sa mommies and daughters, bananas also improve your mood as well as reduce PMS symptoms. Nire-regulate nito ang blood sugar and it relaxes you from stress.
8. Kayo po ba ay nagbabalak o nasa process of quitting smoking? Naku, maganda rin po pala ang saging para sa inyo! Dahil sagana po sa Vitamin B ang saging, sa potassium at magnesium, nakatutulong din po ito sa inyong recovery sa epekto ng smoking-withdrawal.
9. Sa mga nilalagnat po, bananas can cool down your body temperature. Effective rin po ito sa simpleng mainit na panahon.
10. Mag-eexam ka ba? Mainam din ang saging dahil it makes you more alert due to high levels of potassium!
Kaya mommies and daddies, huwag maliitin ang saging … Mura na, masustansya pa!! 🙂
Be informed! Be involved!
FB: Jing Castaneda ABSCBN
Twitter: @jingcastaneda
IG: @jingcastanedaabscbn