5 ways to stay healthy ngayong tag-ulan

Mga #kasambuhay, sunud-sunod nanaman ang bagyo.

Narito ang ilang tips para mapanatiling malusog ang katawan tuwing tag-ulan:

1.) Dalasan ang pag hugas ng kamay

•Buhay na buhay ang mag virus at bacteria sa ganitong panahon. Maaaring makuha ito sa simpleng pag tawid sa kalsada o paghawak sa mga simpleng bagay tulad ng rails o upuan.

Fotolia_15570038_L

2.) Iwasang hawakan ang mukha

•Ang mga bacteria at virus ay mabilis na makakapasok sa ating katawan sa mata, ilong at bibig. Iwasang magkamot ng mata. Parating magdala ng napkin o panyo.

facetouch

3.) Iwasan din ang pagkain ng “street food”

•Alam nating all-year round ang paglalako ng pagkaing gaya ng kwek kwek, fish balls, squid balls at iba pa. Pero ngayong tag-ulan, mas prone ang mga ito sa bacteria — both airborne and waterborne   — dahil niluluto at binebenta ito sa open air environment.

9022187

4.) Ugaliing uminom ng herbal tea

•Ang herbal tea ay gamot sa ubo, sipon at sore throat na karaniwang uso tuwing tag-ulan. Mga tsaa na may halong ginger, basil o mint ay mas mainam din.

Types-of-herbal-tea-best-consumed-during-pregnancy

5.) Panatilihing malinis ang kapaligiran

•Ang nakabaimbak na tubig sa loob at labas ng bahay ay delikado. Maaari itong bahayan ng dengue-carrying mosquitoes. Kaya huwag iwanan ang mga drum o balde ng tubig nang walang takip. Kasabay nito, iwasan ding lumusong sa baha dahil sa banta naman ng leptospirosis.

Environment_650px

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *