Sabi nila, “When you fall for someone’s personality, everything about them becomes beautiful.” May kanya-kanyang personalities ang bawat couple, minsan nga ito pa ang nagiging solusyon sa healthier relationship.
Pero, hindi rin naman lahat agree dito. May mga dapat ayusin at i-compromise para mas maging maayos ang pagsasama.
Ito ang mga dapat tandaan ng couples para mas tumibay ang pagsasama:
1.) Communication
Importanteng regular na nag-uusap ang mag-asawa o isang couple. Kaya lang, hindi lahat alam ang tamang way of communicating. Hindi ito yung simple o casual na pakikipag-usap lamang. Healthy couples can talk about all the good and bad stuff together nang maayos. Hindi solution ang pagtatago lang ng feelings. Kung may gustong sabihin, sabihin nang maayos and i-assess ang situation para mas lalong magkaintindihan.
2.) Respect
Iba’t iba ang concept ng respeto. Pero kadalasan nawawala ang respeto tuwing nag-aaway sa pakikipag-sigawan. Iwasan din na i-kwento nang i-kwento ang negative side ng iyong partner sa kaibigan o sa ibang tao. Maaaring lumala lang ang situwayson. Huwag ding gawing threat iiwan mo na ang iyong partner kung hindi mo naman talaga gusto. Mainam na mag-palamig na lang muna at saka pag-usapan ang naging pagtatalo para mas lalong magkaintindihan.
3.) Quality Time
Hindi porke magkasama kayo 24/7 ay enough at okay na ang inyong relationship. Magka-iba ang sitwasyong magkasama kayong kumakain ng hapunan at nagkukwentuhan tungkol sa nangyari sa buong araw compared sa magkasama nga kayo, magka-holding hands o magka-sandalan pero kanya-kanyang hawak ng cellphone, panonood ng TV o paggamit ng computer.
4.) Personal Time
Same importance ang quality time together and spending your time apart. Hindi porke nasa isang relationship ka na ay iikot lang ang munro mo sa kanya. You still have to be independent and you can still set boundaries and a little privacy to yourself.
5.) Appreciation
Make sure to appreciate most, if not all, yung mga sampling ginagawa ng iyong partner. Remember, hindi lang ikaw ang pagod sa trabaho, so there’s nothing wrong sa pag-appreciate. It’s a way to show your love for your partner.
6.) Hindi lahat dapat pag-awayan
Again, we go back to the differences of every person. Kung ikaw ay may pagka-OC at yung isa naman ay opposite, hindi na dapat pang pagtalunan iyon. Kung siya ay pumipisil ng toothpaste sa gitna at ikaw ay sa bottom part, hindi na dapat gawing big deal at making issue pa. Try niyo kanya-kanyang toothpaste tube para walang problema. Hehe 🙂
7.) Never compare
Sa panahon ngayon, with the existence of social media, nakikita na natin ang karamihan ng galaw ng friends and family natin. Nakikita natin yung takbo ng relationship nila or even their lives, and sometimes we tend to compare. Remember, they won’t post or brag about the rocky side of their lives or relationship so always look at the brighter side of yours.