Mga #kasambuhay lalo na ang mga OFW, kaliwa’t kanan ang mga nababalitang nabibiktima ng ‘tanim-bala’ sa Ninoy Aquino International Airport!
Ano ang ‘tanim-bala’?
•Based sa statements ng mga biktima ng ‘tanim-bala’, haharangin sila for the reason na may dala raw silang bala sa bagahe na mahigpit na ipinagbabawal sa lahat ng airports. Pero yun pala’y ‘itinanim’ o inilagay lang sa bagahe nila ang bala para ma-frame-up sila ng mga taga-airport at makikilan.
Kaya sa mga #kasambuhay na bi-bihaye lalo na ngayong undas at pasko, ito po ang ilang tips para sa inyong safety at hindi mabiktima ng ‘tanim-bala’:
- Gumamit ng maletang hindi nalalaslas o hard shell, hangga’t maaari, yung may lock or lagyan na rin ng padlock.
- Make sure lahat ng bagahe ninyo ay sarado — if possible naka-padlock, sealed at saradong-sarado. Mas madali ninyo itong mapapansin sakaling may nagbukas ng inyong bag without permission.
- Kapag dadaan sa walk-through metal detectors, huwag iwanan ng tingin ang baggage kahit na nasa X-ray machines. Kunin ninyo agad upon exit sa walk-through detectors.
- Huwag na huwag hayaang may ibang mag-handle ng inyong mga bagahe.
- Iwasang magsuot ng loose na damit gaya ng jacket, damit o bag na maraming bulsa na puwedeng singitan ng bala o droga.
- Sa mga kababaihan, lalo na ang mga handbag, make sure na may zipper ito at hindi lang snap closure na puwede laglagan ng bala.
Paano naman kung mahulihan ka na ng ‘bala’ sa bag?
- Huwag pumayag sakaling pinabuksan ang inyong bagahe. Ipaharap muna ang mga airport police at tumawag ng abogado o kamag-anak na makapagdadala ng lawyer habang nasa NAIA. HUWAG PUMAYAG NA IKAW MISMO ANG MAGBUKAS NG INYONG BAG.
- Kapag dumating na ang iyong kaanak o lawyer, ipakuha sa officers-in-charge ang balang makikita sa bag. Kung ang bala ay hindi talaga sa iyo, walang fingerprints mo na makikita sa pinagkuhaan, pinaglagyan o sa bala mismo.
- If proven na wala ka talagang fingerprints doon, you can also ask na i-check naman ang fingerprints ng mga taong puwedeng involved.
- Puwedeng mag-hain ng reklamo dahil sa asunto, abala, gastos pati na rin re-booking ng inyong flight.
Be informed! Be involved!
FB: Jing Castaneda ABSCBN
Twitter: @jingcastaneda
IG: @jingcastanedaabscbn
Source: PEBA Inc.’s Facebook Page