Apply for passports early to avoid delays

Mag-e-expire na ang passport ni Gerald and with a business trip in the works sa kanyang pinapasukan, kailangan na niyang mag-apply para sa renewal nito nang mas maaga. Nag-abiso kamakailan ang DFA na magkakaroon ng delays sa pagre-release nila ng mga passport.

Due to DFA’s system upgrades, mapapatagal temporarily ang pagkuha at pagrerenew ng passport.

Kung dati-rati, ang express processing ng passport ay 7 days lang, aabutin na ngayon ng 10 days. Sa normal processing naman, aabutin na ng 20 days ang dating 15 days na hintayan.

Philippine-Passport

Image:http://globalnation.inquirer.net/

Kung kayo naman ay nasa probinsiya, ang dating 25 days na normal processing ay aabutin na ng 30 days o isang buwan. For OFWS na karaniwang 15 days lamang ang hinihintay para makakuha ng passport, ngayon, 20 days na ang aabutin.

Philippine-Passport_02

Image: www.mindanaoan.com

According to the DFA, the delays are a result of upgrades to their system and equipment. Ang mga delays na ito ay tatagal lang naman ng isang buwan. “Luma at depektibo na kasi ang sistema, kaya kailangang ayusin at palitan,” ayon kay DFA Assistant Secretary Wilfredo Santos.

It is also possible na maapektuhan rin ng system upgrades na ito ang pagkuha ng appointment online.

Pagkuha ng appointent online sa DFA:

DFA Main Office (ASEANA) – 4 working days
SM Megamall – 5 days
Robinsons Galleria – 6 days
SM Manila – 6 days
Alabang Town Center – 5 days
Ali Mall Cubao – 8 days

This year, DFA also plans to launch the Global Online Application System.

With this system, maaari nang iproseso ang application at online payments, at ang gagawin na lang sa DFA offices ay ang pagkuha ng biometrics, litrato, and signature ng aplikante.

Kasama rin sa mga plano ay ang pag-extend ng validity ng passport to 10 years, mula sa existing na 5-year validity nito.

And, for added security, aside from the thumbprint, may fingerprints at biometrics na rin na ilalagay sa passport.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *