Calamity Assistance from SSS, GSIS at PAG-IBIG

Mga #Kasambuhay, magbibigay ang agencies ng SSS, GSIS at PAG-IBIG ng calamity assistance sa mga naapektuhan ng bagyong Lando.

Pero dapat, nasa state of calamity ang lugar kung saan nakatira o nagtatrabaho ang gustong mag-claim (for GSIS & SSS).  Kasama sa mga requirement ang deklarasyon (ex. copy of LGU resolution) ng local or national govt na nasa ilalim ng state of calamity ang lugar.  By the way, maging pensioners, puwedeng mag-calamity loan.

 

typhoon-lando-koppu-nueva-ecija-20151019-006

typhoon-lando-koppu-nueva-ecija-20151019-013

Hagupit ni Bagyong Lando

 

Sa GSIS:

•Puwedeng umutang ang member ng hanggang P20,000 na payable for three years na mayroon lang 6% interest kada taon.

•Sabi ni Robert Vergara, President and General Manager ng GSIS, puwedeng umabot ng hanggang P40,000 ang loan kung dalawang beses tinamaan ng bagyo ang lugar.

Qualified Members

•Active sa serbisyo at hindi naka leave of absence without pay

•Walang pending criminal or administrative charges

•Walang kulang or overdue debts sa monthly contribution

•Walang loan na declared as default

2 Ways to Apply

•Process through GSIS Wireless Automated Processing System (G-W@PS) – Dalhin lang ang eCard Plus sa any GSIS servicing office na may G-W@PS kiosks. Gamit ito, piliin ang “Emergency Loan” sa “Loan” menu at sundan lang ang steps.

•Process through Office Application – Pumunta lang sa kahit saang office ng GSIS at mag fill-up ng application form.

IMG_8512

Kasama si Mr. Robert Vergara, President and General Manager, GSIS

IMG_8514

Sa SSS:

•Salary Loan Early Renewal Program – Sa program na ito, puwede ulit mangutang ang member kahit may existing loan na;

•SSS Direct House Repair and Improvement Loan Program – Loan naman ito para sa pagpapa-repair ng bahay

•SSS and Employees’ Compensation Program – Puwedeng i-advance ang pension ng up to three months ng miyembrong na-bagyo.

Requirements:

•Filled-out application form

•2 valid IDs

•SSS number or SSS ID/Card

Sa PAG-IBIG:

•Maaaring umabot ng hanggang 80% ng savings ng miyembro ang ma-uutang, payable for 2 years with 5.95% interest rate per annum/kada taon.

•Kaya sa interview ko kay Florencio Galang, OIC-Vice President ng PAG-IBIG, ipinaliwanag niyang kung mas matagal ka nang miyembro, mas marami rin ang puwede mong utangin.

•Plano rin daw ng ahensya ang mag caravan o kaya’y magpadala ng kanilang representatives sa mga lugar na sinalanta for faster application process.

Qualified Members:

•At least may 24 monthly savings

•May at least 5 monthly savings in the last 6 months

Requirements:

•Calamity Loan Application Form (Maari itong ma-download sa www.pagibigfund.gov.ph o sa PAG-IBIG offices)

•Photocopy ng 2 valid IDs

•Proof of Income

•Declaration na apektado kayo ng bagyo (For formally employed members)

IMG_8511

With Mr. Florencio Galang, OIC-Vice President ng PAG-IBIG

IMG_8513

Sa mga gustong mag-loan o may katanungan, call:

GSIS: 847-47-47

SSS: 920-6446 hanggang 55 or email member_relations@sss.gov.ph

PAG-IBIG FUND: 7244244

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *