Digital alteration ng litrato ng mga models, pinapatigil ni Senator Santiago

Nais ipatigil ni Senator Miriam Defensor-Santiago ang digital alteration ng mga litrato ng mga modelo na lumalabas sa mga advertising materials. Bukod sa pagiging unrealistic, nagsisilbing masamang halimbawa daw ito sa mga kabataan who look up to public figures bilang role models.

stop_photoshop_01

Senator Miriam Defensor-Santiago

Image: spot.ph

Sa Senate Bill 2657, filed by the Senator recently, dapat mag-submit ng report ang Department of Trade and Industry (DTI) sa kongreso to explain its strategy para mabawasan ang paggamit ng altered images sa advertising at iba pang media para sa promotion ng mga produkto.

Ang digital alteration ay kilala rin bilang “Photoshopping”, kung saan pinapaganda nang husto ang larawan ng mga modelo sa computer gamit ang computer programs gaya ng Photoshop. Kadalasang ginagawa ito upang lalong maging sexy ang katawan o maging makinis ang kutis ng modelo.

stop_photoshop

Image: philstar.com

Paliwanag ni Senator Santiago, nagdudulot ito ng unrealistic expectations at maling pag-unawa sa angkop na timbang at healthy body image. “It is a common practice in advertising that advertisers alter images used in print and electronic media to materially change the physical characteristics of models’ faces and bodies, often altering the models’ size, proportions, shape and skin color, removing signs of aging and making other similar changes to models’ appearance,” ayon kay Senator Santiago.

Dagdag pa ni Senator Santiago, ayon sa mga pag-aaral, ang exposure sa mga ganitong imahen ay nakakapagdulot ng mental, emotional, at physical health issues. “The dissemination of unrealistic body standards has been linked to eating disorders among men and women of varying age groups, but it has a particularly destructive health effect on children and teenagers,” dagdag niya.

Noted physician Dr. Willie Ong lists down the possible destructive effects of such false images:

1. Depression, low self-esteem
2. Eating disorders such as anorexia nervosa and bulimia
3. Posibilidad na mag-diet, and/or use drugs to suppress appetite
4. Kagustuhan na mag-pa-plastic surgery kahit hindi naman ito kailangan.
5. Pagkasira ng relasyon sa pamilya at sa partner dahil maiiba ang ugali nila.

stop_photoshop_02

Halimbawa ng paggamit ng digital alteration.

Image: http://www.nsmbl.com/severely-photoshopped-celebrities-before-and-after/

Bukod pa rito, dagdag ni Senator Santiago, malinaw na panlilinlang din ito ng mga advertisers sa publiko, lalo na sa mga patalastas ng beauty at cosmetic products.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *